Mylene solb sa buhay probinsiya

Ngayong may pandemya, ginugugol ni Philippine SuperLiga star Mylene Paat ang kanyang oras sa pagpapakondisyon at pag-aasikaso sa kanyang pamilya sa Pangasinan.
Sa ipinost na day-routine video ng Chery Tiggo Crossovers lefty opposite spiker sa social media, ipinakita ni Paat ang ilan sa pinagkakaabalahan nito habang nasa probinsya.

Unang sinisimulan ng 5-foot-10 volleybelle ang kanyang araw sa paglalakad at pagpapa-araw kasama ang kanyang Mamang.
Matapos nito, nagluto naman ng pancakes ang former Adamson Lady Falcon na sinabayan pa ng pagkanta ng Adel song. (JAToralba)