Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mylene, Nakhon idedemolis Proflex

0 253

PAG-ANGAT pa sa team standings ng Women’s Volleyball Thailand League ang puntirya nina Mylene Paat at ng Nakhon Ratchasima QminC VC na makakabangga ang Proflex RSU VC ngayong Sabado.

Noong nakalipas na Linggo, winalis ng Nakhon Ratchasima ang Kasetsart VC, 25-15, 25-17, 25-15.

Nanguna sa opensa ng koponan si Patcharaporn Sittisad na umiskor ng 20 points, katuwang si Karina Krause na pumoste ng 12 habang si Chitaporn Kamlangmak ay may 10 puntos.

Nag-ambag rin ng 10 puntos sa panalo ng Nakhon Ratchasima si 5-foot-10 opposite hitter Paat.

Maghaharap ang Nakhon Ratchasima, may kasalukuyang record na 3-3 win-loss, at ang Proflex RSU VC, alas-9:30 ng umaga sa Nimibutr Stadium. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.