Una sa Balita

Mylene aso ang ikatlong anak

By
0 325

Wala na raw sa plano ni Mylene Dizon ang magkaroon sila ng anak ng current boyfriend niyang si Jason Webb na kasaluku­yang PBA assistant coach at team consultant para sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Kahit na raw six years na silang may relasyon, tama na raw kay Mylene ang dalawang anak niya sa ex-boyfriend na si Paolo Paraiso.

“Jusko naman, 42 years old na ako! Tantanan na! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kahit na sinasabi nila na puwede pa, parang okey na ang dalawang anak ko. Kapag may nagpipilit pa, sinasabi ko, ‘Sige, ikaw ang magbuntis para sa akin!’

“Hindi madali ang magbuntis, sa totoo lang. Kaya para sa akin, tama na ang dalawa. Tutal may aso naman kami, ‘yun na lang ang third child ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa ni Mylene.

Mukhang tanggap na tanggap na nga ng mga anak ni Mylene si Jason dahil parating present ito sa mga special occasions ng pamil­ya nila. Makikita sa Instagram ni Mylene na ang bonding nila ni Jason ay kung hindi sa beach ay ang pagwo-workout sa gym.

“Ayaw kasi naming tumanda! In other words, in denial pa kami!

“We work hard. We stay healthy. And we’re both very active. He plays basketball. We work out together.

“Or maybe we’re just putting a break to health issues and hope that we won’t have any, that’s why we’re taking care of ourselves,” diin pa ni Mylene na mapapanood sa GMA-7 sa primetime series na “Sahaya.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy