Una sa Balita

Myanmar leader itinanggi ang pagmasaker sa mga Rohingya Muslim

0 315

Dinipensa ni Myanmar State Counsellor­ Aung San Suu Kyi ang kanyang bansa sa mga alegasyon ng genocide laban sa mga Rohingya Muslim sa harap ng United Nations International Court of Justice (UNICJ).

Sinagot ng Nobel Peace Prize laureate ang mga akusasyon na sangkot ang Myanmar sa paglikida sa mga Rohingya Muslim.

Sa kanyang pagharap sa UNICJ sinabi nito na ang kaso laban sa Myanmar ay kulang at mali.

Dagdag pa nito sa kanyang talumpati na ang kaguluhan sa Rakhine kung saan naninirahan ang mga Rohingya ay nagsimu­la ilang taon na ang nakakalipas.

Kaugnay ito ng libo-libong Rohingya na pinatay habang mahigit sa 700,000 pa ang lumikas sa kalapit na Bangladesh sa army crackdown sa Buddhist-majority­ Myanmar noong 2017. (Issa ­Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More