Una sa Balita

My Sheltex kumubra ng P800K

By
0 223

PINAKITA ni star jockey Jessie Guce ang tikas sa pagdadala ng kabayo nang ipanalo si My Sheltex sa PCSO Special Maiden Race 3-Year-Old Open nitong Sabado ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban ni top favorite My Sheltex ang unahan sa largahan subalit sa unang 200 metro ng laban ay inaagaw ni Viscerion ang unahan.
Hinayaan ni former Philippine Sportswriters Association Jockey of the Year awardee Guce na maagaw ang unahan at pinanood na lang niya sina Viscerion at hinete nitong si JA Guce.

Pero sa huling 600 meter race ay binawi ng My Sheltex ang Bandera at sa far turn ay si Gintong Tubig naman ang nagbadyang kumuha ng unahan, pero nabigo siya dahil may natitira pang lakas ang winning horse na pag-aari ni Antonio Tan.

“May lakas pa si My Sheltex kaya sabi ko hindi maaagaw ang bandera sa amin,” masayang sabi ni Guce na anak ni El Maestro Jesus ‘Bong’ Guce.

Nasilo ni My Sheltex ang halagang P800,000 habang nakopo ni second place Jayz ang P250,000, nakuntento sa third si Gintong Tubig na nag-uwi ng P150,000.

Nakatanggap din ng P75,000 at trophy ang winning owner, trainer at jockey sa arangkadahang inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy