Una sa Balita

My Sheltex ginabayan ni JB Guce

By
0 273

KAHIT nalutsa ay hindi natinag sa pagdala ng bandera si My Sheltex kaya nasilo ang panalo sa Three-Year-old Group race nitong Sabado ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban ni favorite My Sheltex sakay si star jockey Jessie Guce ang unahan sa largahan, agad naman siyang kinapitan ni second choice Storm Bell hanggang sa kalagitnaan ng karera.

Papasok ng far turn ay unti-unti nang kumakalas ang winning horse at nanalong may pitong kabayo ang agwat sa nasegundong si Big Boss James, tumersero si Iikot lang.

“Pagkalas namin sa may bandang far turn ay hindi na nakasabay yung mga nasa likuran kaya itinuloy ko na hanggang finish line,” kuwento ni Guce.

Nirehistro ni My Sheltex ang 1:19.6 minuto sa 1,300 meter race.

Samantala, nanaig sa Condition Race category 17 si Mr. Bourbon habang segundong dumating si Director’s Dona.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy