Una sa Balita

My Shelltex susubok sa PHILRACOM 3YO Race

0 251

NABIGONG sungkitin ni My Shelltex ang panalo sa 1st Leg ng Triple Crown series sa nakaraang buwan kaya marahil ay ‘di na sasali sa pangalawang leg.

Nominado si My Sheltex sa 2019 PHLRACOM “Three-Year-Old Locally Bred Stakes Race” na pasisibatin sa Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

“Magaling naman si My Shelltex kaya lang sobrang galing naman ngayon ni Real Gold kaya siguro naisip ng connections niya na isali na lang sa ibang stakes race na mas malaki ang kanyang tsansang manalo,” ani Wilfredo Escanillas, isang beteranong karerista.

Ang ibang nagdeklara ng pagsali sa event na may distansyang 1,800 meter race ay sina Always Ready, Batang Baclaran, Brandy Drinker, Captain Sully, Dansalan, Electrify, Gepnits, Humidor, Iikot Lang, Kentucky Rain, Kingwash Killsdirt, Mount Dulang Dulang, Oktubre Katorse, Silab at Weather Lang.

May guaranteed prize na P500,000, kung saan tatanggapin ng magkakampeon ang P300,000 habang nakalaan ang P112,500 sa second placer.

Hahamigin ng pangatlong tatawid ng meta ang P62,500 habang nakalan ang P25,000 sa fourth.

Ibubulsa naman ng winning­ breeder ang P15,000 mula sa Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy