Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

My Prancealot hanep diskarte

0 53

INILAMPASO ni My Prancealot ang mga nakatunggali nang manalo sa 2022 Philracom “NPC Cup” Stakes Race na inilarga noong Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ayon sa mga kareristang nakasaksi ng laban, maganda ang naging diskarte ng hinete kaya magaan na nanalo si My Prancealot.

Sakay si jockey NC Lunar, nakapuwesto sa pang-anim si My Prancealot habang nasa unahan ang matulin sa largahan na si Patong Patong habang nasa pangalawa si Work Bell.

Papasok ng far turn ay umaagaw na ng unahan si Work Bell pero malakas naman ang pag-usad ni My Prancealot.

Pagsapit ng huling 300 metro ng laban ay si My Prancealot na ang nangunguna kaya naman pagsungaw ng rekta ay nasa tatlong kabayo na ang kanyang agwat sa pumapangalawang si Work Bell.

“Nag-abang lang si jockey Lunar, sobrang ganda ng diskarte kaya malayong nanalo si My Prancealot,” saad ni Gary Ladiana, veteran karerista.

Inirehistro ni My Prancealot ang 1:41 minuto sa 1,600-meter race sapat upang hamigin ng owner nito ang P300,000 premyo.

Sumegundo si Shanghai Noon, tersero si Declare For Flare habang pumang-apat ang hinihingal na si Work Bell. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.