Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

My Prancealot babantayan

0 59

SASABAK ang mga stake race campaigner na sina My Prancealot at Magnificent Lady sa Condition Race (10) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.

Kilalang matitikas na kabayo sina My Prancealot at Magnificent Lady na rerendahan nina NC Lunar at Pabs Cabalejo, ayon sa pagkakasunod, sa karerang may distansiyang 1,400 metro.

Ang ibang kalahok sa nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Gomper Girl, The Accountant, Kid Baloloy, Hookbung Dagat, Victorious Colt at Golden Sunrise.

Ayon sa mga komento sa social media, posibleng maging mahigpit na karibal nina My Prancealot at Magnificent Lady sina Victorious Colt na sasakyan ni Oneal Cortez at Golden Sunrise na gagabayan ni star jockey Jeffril Zarate.

“Magagaling ang mga kasali kaya kahit sino malaki ang tsansang manalo,” saad ni Frederick Valmocena, veteran karerista.

Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.