Una sa Balita

My Jopay susubok ulit sa Triple Crown 3rd Leg

0 270

MULING susubok si My Jopay sa 3rd Leg ng Philippine Racing Commission Triple Crown Series para hamunin ang dalawang tigasing kampeon na sina Real Gold at Boss Emong.

Nabigo si My Jopay sa first leg na pinagwagian ni Real Gold at hindi ito sumali sa 2nd leg kung saan si Boss Emong naman ang nanalo.

Sumabak si My Jopay sa 2019 PHILRACOM Hopeful Stakes Race noong June 23 sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite, ‘yun din ang araw na nasikwat ni Boss Emong ang 2nd leg.

Bumanderang-tapos si My Jopay sa 1,800-meter race, tinalo nito ang ilang tigasing kabayo tulad nina JLO, Mood Swing at Serafina.

“May galing naman si My Jopay, kaya kahit mahaba ang karera sa 3rd Leg kapag nauna ‘yan at walang lumutsa may paglalagyan sila,” saad ni Leandro Villanueva, karerista.

Bukas pakakawalan ang mga kalahok na kabayo sa 3rd Leg sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City sa Batangas, nakataya ang P1.8M premyo sa may-ari ng kabayong unang tatawid sa meta sa distansyang 2,000 metro.

Bukod kina My Jopay, Real Gold at Boss Emong ang ibang rarampa sa pista ay sina Shanghai Grey, Sir Joaquin at My Dad Bogart. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy