Una sa Balita

My Jopay salang sa Hopeful Stakes Race

0 304

MARAMING kasali sa 1st leg ang hindi na tatakbo sa 2019 PHILRACOM “2nd Leg Triple Crown Stakes Race” na pasisibatin sa dara­ting na Linggo sa Santa Ana Pinakakasigurong manalo,” hayag ni Gerry Tolentino, beteranong karerista.

Mapapalaban si My Jopay sa ibang nominadong sina Harapin Ang Bukas, JLO, Mood Swing, Seradina, Skyscrapper, Suberbia, The Accountant, Two Timer at Vicerion.

Paniguradong mainitan na bakbakan ang mapapanood dahil sa nakalaan ng P1M guaranteed prize.

Tatanggap ng P600,000 ang owner ng magwawaging kabayo, P225,000 ang makokopo ng second placer, P125,000 naman ang hahamigin ng third habang ang fourth ay mag-uuwi ng P50,000.

Makokopo ng breeder ng winning horse ang P30,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Bukod kay My Jopay, hindi na rin kasali sa second leg ng TC sina Obra Maestra, My Sheltex at Westeros. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy