Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

My Jopay liyamado

0 80

SISIKAPIN ng kuwadra ni My Jopay na makasungkit ang panalo ngayong araw sa Condition Race Merged na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Matagal na rin na hindi nananalo sa regular at stake race ang kabayong si My Jopay kaya tiyak na uhaw ito sa panalo.

Rerendahan ni jockey AS Pare, posibleng maging mahigpit na karibal ni My Jopay sina Refuse To Lose at Speeding Hero.

“May buti naman si My Jopay, siguro dito kaya na niyang manalo medyo may kabigatan lang ang dala,” saad ni Clarito Ronquillo, veteran karerista.

May distansiyang 1,400 metro, ang ibang kasali ay sina Goldsmith, Rogelio at Messi.

Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI), suporatado ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.