Una sa Balita

My hubby stopped initiating sex (9)

By
0 1,239

DEAR Dra. Holmes: (continuation of May 13 letter)

Doc, I forgot to include in my letter to you that, When I finally told him that I felt like he no longer desired me, he said that it wasn’t that he no longer desired me (adding, in fact, that he still did).

He explained that it’s just that he enjoys sex more when it is spaced out. I pointed out that we used to have sex really often. It used to be more than thrice a week and then, when we got married, it had become less than thrice a month. And now, with the baby, it is even less!!

He apologized and said he will make more of an effort. But, like I said in my original letter (that was published last Tuesday, May 15—MGSH) he would initiate once, maybe twice, then slowly he would go back to his usual not looking for sex.

Please help me, Doc! –JAN

Dear Jan:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish noong Mayo 15. Sa huling kolum natin noong nakaraang Huwebes, Mayo 31, sinabi ko na iba-iba ang ating pangangailangan ng sex at iba-iba rin tayo sa kahulugan nito sa atin.

Ang tono ng sulat mo ay na bigo, galit, at may desperasyon ka sa asawa mo dahil, kahit na maraming beses mo na siya kinausap, hindi pa niya magawa na pasimulan ang pagsisiping ninyo. Laging kulang sa kadalasan at, palagay ko, sa katindihan ang kaniyang mga pagsusumikap.

Oras na para magbigay pansin sa iyong mga desisyon at hindi na sa kilos ng iyong asawa: Kaya mo ba na hindi magbabago ang pagsisiping ninyong mag-asawa? Gaya ng nasabi ko, iba-iba tayo sa kahulugan at pangangaila­ngan ng pagsisiping. Tila kontento ang asawa mo sa antas (level) ng pagsisiping ninyo.

Obvious na ika ay hindi kontento.

Pero gaano ka hindi masaya/kontento sa re­lasyong sekswal ninyo?

Kung ok lang kung ikumpara sa ibang magagandang bahagi ng re­lasyon ninyo, ‘di ba mas mabuti na lang tanggapin na, sa kasalukuyan, hanggang ganyan lang ang kaya niya pero huwag mawalan ng pag-asa o pagsisikap na magbago siya.

Pero kung mahirap talagang tanggapin ito at palagay mo ay lalo kang magagalit at feelin­g super bigo sa inyong relasyon, mas mabuti na lang mahiwalay sa kaniya.

Sana sulatan mo ako kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo. Ingat —MG Holmes.

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan siya sa Twitter, sulatan, i-LIKE din siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes