Una sa Balita

My hubby stopped initiating sex (5)

By
0 1,441

Dear Dra Holmes: (continuation of May 15 letter)

Doc, I forgot to include in my letter to you that, When I finally told him that I felt like he no longer desired me, he said that it wasn’t that he no longer desired me (adding, in fact, that he still did).

He explained that it’s just that he enjoys sex more when it is spaced out. I pointed out that we used to have sex really often. It used to be more than thrice a week and then, when we got married, it had become less than thrice a month. And now, with the baby, it is even less!!

He apologized and said he will make more of an effort. But, like I said in my original letter (that was published last Tuesday, May 15 – MGSH) he would initiate once, maybe twice, then slowly he would go back to his usual not looking for sex.

Please help me, Doc! – JAN

Dear Jan:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish noong nakaraang Martes, Mayo 15. Sa huling kolum natin noong nakaraang Martes, Mayo 22, sinulat ko na “Maraming mga lalake ay ginagawa ito (Ang pagiging bored) bilang dahilan para hindi pansinin ang kanilang asawa pagdating sa sex. Salamat sa Diyos na hindi ganito ng iyong asawa.”

Related Posts

Salamat sa Diyos dahil ang iyong asawa ay nagbigay ng dahilan na hindi lang malamang ay totoo, pero nagpapakita ng respeto para sa iyo.

Hindi ka niya binintang, kagaya ng ginagawa ng maraming la­lake. HALIMBAWA: may mga lalakeng napaka-defensive (dahil nabuko sila o dahil ayaw nilang pagusapan kung bakit bumaba ang kanilang pagnanasa para sa asawa nila) na kaagad sasabihin: “Eh, sino naman ang ma-e-engno sa iyo? Ang taba taba mo na ­ngayon!!” atbp.

AT ang isa sa pinakamagandang reaksyon ng asawa mo ay ang pagsabi niya na gagawin niya ang magagawa niya para masiyahan ka uli sa inyong pagsisi­ping.

At gaya nang sinabi mo, totoo naman ang pangako niya, diba? Na kapag napagusapan ninyo, nagiging mas madalas ang inyong pagsisiping?

Ibig sabihin nun ay nakinig siya sa sinabi mo at ginagawa niya ang mga bagay na alam niyang nakakapagpasaya sa iyo.
Ang problema lang ay hindi niya ma-sustain (sang-ayunan) ito. 

TO BE CONTINUED

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes
Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes