Una sa Balita

My hubby stopped initiating sex (3)

By
0 1,577

Dear Dra. Holmes: (continuation of May 13 letter

Doc, I forgot to include in my letter to you that, When I finally told him that I felt like he no longer desired me, he said that it wasn’t that he no longer desired me (adding, in fact, that he still did).

He explained that it’s just that he enjoys sex more when it is spaced out. I pointed out that we used to have sex really often. It used to be more than thrice a week and then, when we got married, it had become less than thrice a month. And now, with the baby, it is even less!!

He apologized and said he will make more of an effort. But, like I said in my original letter (that was published last Tuesday, May 15—MGSH) he would initiate once, maybe twice, then slowly he would go back to his usual not looking for sex.
Please help me, Doc!

– JAN

Dear Jan:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish noong nakaraang Martes, Mayo 15. Sa huling kolum natin noong nakaraang Biyernes, Mayo 18, sinulat ko na madalas mangyari ang pagbabawas ng pagsisiping pagkatapos magpakasal ay hindi lang nangyari sa inyo. Bihira makatumbas sa kadalasan ng pagsisiping bago kayo magpaksal/bago magtapos ang unang taon ng inyong pagkasal.Ito ay hindi lang nangyayari sa Pilipinas pero sa iba’t ibang bansa.

Mayroong maraming mga dahilan na binibigay para sa pagbaba ng pagsisiping kapag kasal nang lampas isang taon, pero ang mga pangkaraniwang may basehan na dahilan ay, una, ang ating “need for novelty” (ang pangangaila­ngan ng bago sa buhay) In other words, boring kung laging pareho ang nangyayari sa iyo.

Lahat ng tao ay may need for novelty; ang pangangailangan ng bagong bagay o karanasan. Ang pagkakaiba lang ay kung gaanong katindi itong pangangailangan na ito. Mayroong mga taong mas matindi ang pangangailangan, at mayroong ibang mga tao na hindi kasing tindi ang pangangailangan.

Ano-ano ang mga bagay na nakaka-apekto sa ating pangangaila­ngan ng bagong bagay o karanasan? Isa ay ang ating mga genes. Namamana natin ang katindihan ng pangangailangan ng bago sa buhay natin. Pero hindi lang yan ang mahalaga.

Ang katindihan ng ating pangangailangan ay depende rin sa ating pagpapalaki (upbri­nging), kultura, at sa stage of life natin (kung gaano tayo katanda).

Si Dr. Cloninger ay isang propesor ng psychiatry at genetics sa Unibesidad ng Washington. Pinag-aralan niya ng malalim ang ating pangangailangan ng pagbabago at ayon sa kaniya, ang ating pa­ngangailangan na ito ay bumababa ng 50% sa pagitan ng 20-anyos at 60-anyos.

TO BE ­CONTINUED

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.Sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes AT sana
Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes