Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Huling Labas

“Siyanga pala, nalimutan kong magpaalam kay Nanay Biday nu’ng umalis ako do’n, nagmamadali kasi ako dahil ayokong ma-stranded ako at baka hindi ako makaabot dito bago ang off mo, kaya pakisabi na lang pasensya na.”

Hindi pa rin ako makakibo.

“Hon, off mo naman ngayon, ‘di ba? Let’s go, sa ibang araw na lang ako magpo-propose, sinira mo na ang plano ko eh, kain na lang tayo sa labas?”

“H-ha? Wait lang, paano ‘yung mga balloons and flowers and confettis?”

“Yaan mo na, dun lang muna ‘yon para naman may design ang booth n’yo.”

Sayang. Hindi ko itatanggi sa sarili ko na nanghinayang ako sa pagkaudlot ng wedding proposal sa akin ni Andrew.
On air.

“Isang malamig na gabi po sa inyong lahat mga listeners! Tatlong oras na naman po tayong magkakasam­a, magkakatsikahan at magkakalabasan ng sama ng loob, pero syemre pa, at the end of the night masosolusyunan po natin anuman ‘yang mga pinagdadaanan n’yo with beautiful songs and inspiring quotes for tonight! And of course, ang ating update kay Andrew a.k.a. Mr. Blue Moon! Uy kinikilig!”

Nasa kalagitnaan na ang programa ko nang tuma­wag si Andrew as Mr. Blue Moon.

“How are you, Mr. Blue Moon, anong maibabalita mo sa mga listeners natin?”

“I’m doing fine, DJ Blue Rose. In fact, I have something important to announce tonight!”
Kinabahan ako.

“Something important? Parang wala ka namang nabanggit sa’kin kanina, o sige nga tell us what is it?”

“Tumingin ka under your chair, may nakita ka bang small box?”

“H-ha?” sinilip ko ang ilalim ng upuan ko. May small box nga ro’n.

Related Posts

“Kunin mo, and open it…”

Nagsimulang mag-unahan ang luha ko sa pagpatak nang makita ko ang nilalaman niyon.

“A ring…a beautiful wedding ring…”

“Yes it is…now tatanungin kita, saksi ang mga listeners mo…Julia Melendez, will you marry me?”

Hindi agad ako nakapagsalita. Pero kailangan kong sagutin ang tanong niya kung ayaw kong mabitin ang listeners namin.

“Kapag sinabi kong later ko na sasagutin ang tanong mo after commercials na lang or a song or two, siguradong magagalit ang mga listeners ko, kasi mas excited pa sila na sumagot ng oo kaysa sa’kin!” natatawa kong sagot.

“I know, kaya nga sagutin mo na, uulitin ko…”

“No, hindi mo na kailangan ulitin, yes Mr. Blue Moon or Andrew Milan! I do, I will marry you!”

“Thank you, hon, I love you…”

“I Love you, too!”

Kasabay noon ay pinabagsak pa rin nila sa akin ang mga ikinabit na lobo at confetti sa kisame kahit ako lang ang nandoon at nasa linya lang si Andrew.

Pagkatapos no’n ay sunud-sunod na messages na ang natanggap ko hindi lang mula sa mga listeners kundi maging sa pamilya ko at mga kaibigan na  nakatutok din pala sa programa ko. Lahat sila bumabat­i ng congratulations.

Nagpatuloy ang buhay. Alam ko na marami pa kaming haharaping pagsubok ni Andrew, pero tulad ng mga pinagdaanan namin, malalampasan namin ito nang magkahawak kamay!

Kasabay ng pagiging ganap na engineer ni Andrew ay ang pagsilang naman ng una naming anak na pina­ngalanan naming Baby Julie Ann! Isang cute na cute na baby na pinaghalong mukha ng mommy at daddy niya.

Siyempre masaya para sa amin ang buong pamil­ya namin, kabilang na si Doctor Alfonso. (Wakas)