Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-53 na labas

“Okay lang, kaya lang worried lang ako ngayon kasi hindi ko siya makontak.”

“Gano’n ba, e baka naman kasi busy.”

“Busy?”

Ang dami-dami pang sinasabi ni Edna. Nakikinig lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang may something siyang itinatago na hindi ko ma-gets.

“Edna, malapit na ang oras ko, dadaan pa’ko sa office ni Mr. Lee, kaya let’s go na!”

“T-teka lang kasi nahihilo yata ako!”

“What?”

“Oo medyo nahihilo ako!”

“Sandali may inhaler ako dito baka makatulong sa’yo or gusto mo dalhin na kita sa doctor?”

“Doctor? Hindi ‘wag na, takot ako sa doctor, okay na’ko hindi na’ko nahihilo, pwede bang magkape pa tayo, isa na lang, please?”

Naiiling ako pero pinagbigyan ko pa rin si Edna.

Papasok na kami sa elevator nang makasalubong naman namin si Wilson. Parang nagkagulatan pa sila ni Edna at hindi ko alam kung namalikmata lang ako na nagsenyasan sila.

“Guys ano bang meron na hindi ko alam, anothe­r surprise na naman ba’to?”

“Surprise? Bakit birthday mo ba?” si Wilson.

“Ahm, Julia, pwede bang samahan mo muna ako sa CR?”

Related Posts

Napabuntong hininga ako pero pumayag pa rin ako.

Habang nasa loob ng cubicle si Edna ay inilapat ko ang teynga ko sa pintuan nito.

“Jusko Lord, ano pa bang idadahilan ko?”

Dahil sa narinig ko ay iniwan ko siya sa CR at mabilis kong tinungo ang booth. Nang buksan ko ang pinto ay hindi ako nagkamali, isang sorpresa na naman ang bumungad sa akin!

Natigilan silang lahat sa mga pinagkakaabalaha­n nila. May mga nagkakabit ng bulaklak sa bawat sulok ng booth at may mga nagkakabit din ng mga lobo sa kisame. Lahat sila ay napatingin sa akin at napatulala.

“Guys, sinong may birthday?”

Walang sumagot sa akin, sa halip ay nagkatinginan pa silang lahat. Maging si Humpy na kasalukuyang nakaupo ngayon sa booth. Kinuha ko ang isang lobo sa sahig at binasa ang nakasulat doon.

“Congratulations? Hmmm…sino ang dapat i-congratulate?”

Wala pa ring sumagot sa akin. Nanatili silang nakatingin sa akin at tila pigil lahat ang paghinga.

Humakbang pa ako papasok sa loob. Napansin kong tila may sinenyasan si Alma sa likuran ng pintuan kaya binigla ko ang paglingon. Nagulat ako, as in.

“ANDREW!”

“J-Julia?…hon…”

“Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na todo-todo ang pag-aalala ko sa’yo dahil hindi ka na naman nagpaparamdam ngayong bumabagyo? Tapos nandito ka lang pala at nagkakabit ng…ng mga lobo?”

“Ssshhh! Matatapos na ang commercial ko!” saway sa’kin ni Humpy kaya hinila ko na lang palabas ng booth si Andrew para doon sermunan.

“Andrew, ano ba ‘tong ginagawa mo? Para saan ba ang mga lobo na ‘yon?”

“Okay fine, sige sasabihin ko na, balak ko ka­sing mag-propose sa’yo tomorrow night, dito mism­o sa booth n’yo, tapos ‘pag pumayag ka, ibabagsak nila sa atin lahat ng mga balloons sa kisame at mga confetti! Kaya lang sinira mo ang plano ko, bakit ka ba kasi nandito, ‘di ba off mo?”

Natigilan ako at hindi nakakibo. Propose? Ibig sabihin aayain na niya akong magpakasal?(Itutuloy)