Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-52 na labas

“Oo nga at alam mo ba na bukod sa amin ay sobra ka ring na-miss ng mga listeners mo, araw-araw silang nag-aabang ng post mo sa fb at IG at pati kami kinukulit nila para lang makabalita sa’yo!” si Wilson naman ang lumapit at umakbay pa sa akin.

“They’re right, Julia, and still nag-aabang pa rin ang mga followers n’yo ni Mr. Blue Moon!” singit naman ni Mr. Lee.

“Don’t worry po, siguradong matutuwa sila sa pagbabalik namin ni Mr. Blue Moon!”

Nagsimula akong mag-alala nang hindi pa lumuluwas sa Maynila si Andrew. Lalo na nang bumuhos na naman ang malakas na ulan na dala ng panibagong bagyo. Tinawagan ko agad si nanay.

“Nay, kumusta po kayo? Si Andrew po? Hindi ko kasi siya makontak!”

“Okay lang kami ng mga kapatid mo anak, mabuti na lang at naipaayos mo na ang bahay bago pa man itong bagyuhan, tungkol naman kay Andrew, nag-aalala nga rin ako kasi hindi ko pa siya nakikita mula kahapon, pero haya­an mo sasadyain ko siya mamaya doon kina Ka Berto.”

“Sige po, pero kung umuulan po ‘wag na lang kayong lumabas ng bahay, susubukan ko na lang po na kontakin siya ulit.”

“Oo sige, mag-ingat ka din diyan!”

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako nakakatulog. Nag-aalala kasi ako kay Andrew dahil ganitong bagyuhan din nang mawala siya dati, ayoko nang maulit ‘yon! tapos hindi man lang siya magparamdam, maski sa net hindi siya nag-o-online!

“Please, Andrew, asan ka na naman ba?”

Nagulat pa’ko nang muling tumawag si nanay makalipas lang ang ilang oras mula nang tawagan ko siya kanina.

“Anak, napuntahan ko na si Ka Berto nang pansamantalang humina ang ulan kanina, ang sabi niya umalis daw si Andrew, pero kahapon pa raw ito umalis, hindi nga raw niya alam na hindi ito nagpaalam sa’kin eh!”

“Gano’n po ba? Kung kahapon pa umalis diyan si Andrew e ‘di sana nandito na siya o napuntahan na sana niya ako…”

“O sige na anak, marami pa akong tatahiin, tawagan mo na lang ulit ako kapag kinontak ka na ni Andrew, baka naman na-stranded lang siya.”

“Sige po, nay, salamat po.”

Hindi ako nakatiis. Kinabukasan din ay pinuntahan ko sa condo niya si Andrew. Wala akong pakialam kahit sagasain ko ang bagyo marating ko lang ang condo niya. Pero nabigo akong makita siya ro’n.

“Andrew, ano ba, nasaan ka na naman ba?”

Nang may lumabas na babae mula sa kabilang pinto ng unit.

“Miss, pwede bang magtanong?”

“Sure.”

“Y-yung nakatira dito, si Andrew, napansin mo bang duma­ting?”

“I’m sorry, but no.”

“Okay thanks…”

Mula sa condo ay dumiretso ako sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit parang nakakita ng multo si Edna nang makasalubong ko ito sa lobby.

“J-Julia? Anong ginagawa mo rito?”

“Anong ginagawa? E ‘di papasok sa trabaho, ano bang nangyayari sa’yo?”

“Teka muna, ‘di ba off mo ngayon?”

“I know, kaya lang nababagot ako sa bahay kaya naisipan kong pumasok na lang!”

“Okay fine, m-magkape muna tayo maaga pa naman!”

Pumayag ako dahil pareho talaga na­ming hilig ni Edna ang magkape. Napansin ko na parang hindi siya mapakali.

“Edna, what’s wrong with you ba?”

“Wala. Tense lang ako, medyo bumaba kasi ang ratings ng program ko, by the way kumusta naman kayo ni Andrew?” (Itutuloy)