Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-46 na labas

Pumasok si Tita Bebet sa kuwarto at nilapi­tan ako.

“‘Wag ka nang magmadali, umalis na siya.”

“Ha?”

“Dumaan siya dito, pero ang sabi niya ‘wag na raw kitang gisingin, inalalayan siya ng drive­r niya papasok dito tapos inalalayan ko naman siya papasok sa kuwarto mo, gusto ka lang daw niya makita bago siya umalis. Pero mas okay na raw ‘yung hindi mo na lang siya ihatid dahil mas malu­lungkot siya at baka magbago pa ang isip niya sa pag-alis.”

Natulala ako at nalungkot sa sinabi ni Tita Bebet. Kahit kasi ako ang nagkumbinsi sa kanyang umalis ay ang bigat-bigat pa rin sa kalooban ko.

On air.

“Accept what is…Let go what was…have faith in what will be…‘yan po ang ating quotes for tonight. Kung meron po kayong gustong i-share na mga problems n’yo, itawag n’yo lang po ‘yan at subukan nating gawan ng solusyon with some words of wisdom na makakatulong po sa atin para maging inspirasyon.”

Isang caller ang hindi ko inaasahang tatawag para i-share ang feelings niya.

“Gusto ko lang ipahatid kay Julia ang saloobin ko, gusto ko lang malaman niya na nandito pa rin ako…I know it’s hard to wait for someone na kinalimutan ka na, but I don’t want to give up because it’s more difficult to regret na hindi mo ipi­naglaban ang taong mahal mo. Kaya please, Julia, open your heart for me again…I am stronger enough to hold on.”

Related Posts

Si Jab ‘yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para gayahin ang style ni Andrew. At hindi ko iyon nagustuhan. Pero dahil nasa trabaho ako, kailangan kong magpaka-professional.

“You know what, some of us think holding on makes us strong, but sometimes it is letting go…just be patient enough to wait for what you deserve, baka naman kasi ang babaeng ipinaglalaban mo ay part na lang talaga ng history mo but not your destiny.”

Matapos ang oras ng programa ko ay nagulat din ako nang makita ko si Jab sa lobby na naghihintay sa akin.

“Jab, ano bang ginagawa mo?”

“Iniwan ka niya ulit, ‘di ba? And I already told you na hindi ako susuko.”

“Hindi niya ako iniwan, kinailangan niyang uma­lis ulit, please lang tanggapin mo na, na hindi tayo para sa isa’t isa,” mahina kong sabi.

Ayoko kasi na makatawag ng atensyon ang pag-uusap namin.

“Kahit ano pang sabihin mo, I still believe on us.”

Napahugot ako ng malalim na buntong hininga.

“Tama na, please?” (Itutuloy)