Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 964

Ika-44 na labas

“Ah, gano’n?”

Hindi ko siya sa pisngi hinalikan, kundi sa mga labi niya, matagal, mariin, punumpuno ng pagmamahal.

“I love you, hon, so much…” halos pabulong na sabi ko matapos ang halik na ‘yon.

“I love you more,” tugon niya na hindi pa nakuntento at umulit pa ng halik.

Related Posts

Pero taliwas sa sinasabi ni Andrew na malapit na siyang makalakad, iba ang sinabi sa akin ni Dr. Alfonso nang magkasabay kami sa elevator ng building kung saan nandoon ang condo unit. Pauwi na’ko no’n habang papunta pa lang ang doctor. Siya ang unang bumati sa akin dahil kilalang-kilala na niya ako sa mga photos ko na ipinakita sa kanya ni Andrew mula sa Facebook at Instagram.

“I’m happy for both of you, pero tatapatin na kita, Julia…Andrew needs the best therapist, you need to convince him na magpunta sa America dahil marami akong kakilala doon na makakatulong sa kanya kung gusto talaga niyang makalakad ulit, matagal ko na kasi siyang kinukumbinsi pero ayaw niya.”

“G-gano’n po ba? Pero marami naman po tayong magagaling na therapist dito, ‘di ba?”

“Yeah, marami na ring tumingin sa kanya, but look at him now, still trying to walk, kung desidido siyang makalakad he needs to grab all the option na pwedeng makatulong sa kanya.”

“Gaano naman po siya katagal mawawala kung sakali?”

“I don’t know, maybe a year or two.” (Itutuloy)