Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-43 na labas

“At ngayon po, handa na po kaming ipagpatuloy ang nasimulan naming pag-ibig doon pa lang po sa Laguna, ito na po ang tamang panahon para sa aming forever…” muling singit ni Andrew.

Maraming mensahe agad ang pumasok sa fb at cellphone namin. Marami ang natuwa at naiyak sa story namin ni Andrew. Marami rin silang katanungan, gusto pa nilang malaman ang maraming detalye tungkol sa mga pinagdaanan namin.

Abante Hiring – IT dep

“Promise po, every night po na magkakasama tayo ay magse-share po kami ni Mr. Blue Moon ng mga pangyayari sa buhay namin para mas maintindihan n’yo po kami.”

Mula noon ay madalas na rin ang naging pagbisita ko kay Andrew sa condo niya. Nagulat siya nang mag-doorbell ako sa napakaagang oras.

“Good morning, hon!” bungad ko sa kanya.

“G-good morning, hon…ang aga mo ah!”

“Bakit ayaw mo ba? Nagdala ako ng almusal, teka kagigising mo lang, no? May morning glory ka pa!” sabay pahid ko ng muta niya sa mata.

“Oo, napuyat ako eh.”

“Napuyat saan?” tanong ko habang kinukuha ko ang salamin niyang nakapatong sa center table.

“Napuyat ako kakapakinig ko sa’yo kagabi sa programa mo, ang dami mong caller kagabi ah!”

“Gano’n? Sinisi mo pa talaga ko, pero tama ka, ang dami ko ngang caller kagabi. Sige na, ayusin mo na ang sarili mo at may session pa tayo!”

“Session?”

“Nakalimutan mo na ba? Magpapraktis tayo ng paglalakad, kaya maligo ka na habang inihahanda ko ang almusal, may dala akong pandesal pero magluluto pa ‘ko ng pansit canton.”

Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang pagtitig sa akin ni Andrew.

“O ba’t ganyan ka tumingin?”

“Wala lang…hindi ko kasi mapaniwalaang nandito ka na sa tabi ko, inaasikaso ako…”

“Naman, hindi ito oras ng pag-e-emote, sige na kilos na, no! ‘lika, tulungan kita sa banyo, gusto mo?”

“No, kaya ko na, kakapit na lang ako, mamaya silipan mo pa ‘ko eh!” nangingiting sabi ni Andrew.

“Sira ka talaga!” sabay kurot ko sa tagiliran niya.

Nakahanda na ang almusal nang matapos maligo si Andrew.

“Wow! Na-miss kong kumain ng pansit canton, siguradong mapaparami ang kain ko nito!”

“Masarap ‘yan, luto ko ‘yan eh, by the way, ano nga pala ang plano mo, kailan ka uuwi sa Laguna?”

“Gusto ko na ring makauwi asap, pero ayokong umuwi ro’n nang naka-wheelchair.”

“Kung gano’n dapat ka nang mag-concentrate sa pagpapraktis!”

“Oo, inspirado na’ko ngayon dahil nasa tabi na kita,” nakangiting sabi niya.

Matapos kumain ay saglit kaming nagkuwentuhan, pagkatapos ay nagsimula na kaming magpraktis sa paglakad niya. Inalalayan ko siya sa pagtayo at paghakbang.

“O dahan-dahan lang ha!” paalala ko.

Marahan ngang sinimulang ihakbang ni Andrew ang mga paa niya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang bigla siyang bumagsak. Bago ko pa siya masaklolohan ay bumagsak na siya sa sahig.

“ANDREW!”

Nag-alala ako na baka uminit ang ulo niya, pero nawala ang kaba ko nang makita ko na sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

“Okay lang ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo naman, ano pang tinitingin mo diyan, tulungan mo akong makatayo!” nakangiting sabi ni Andrew.

Paulit-ulit namin ‘yung ginawa pero paulit-ulit din siyang bumabagsak.

“Okay ka lang, ‘di ba?”

“Okay pa, tingin ko nga malapit na akong makalakad eh!”

“Very good! ‘Yan ang pasyente ko, positive!”

“Naman! Pero kailangan ko ng inspirasyon!”

“Anong inspirasyon e nandito na nga ako!”

Itinuro ni Andrew ang pisngi niya at nagmustra ng halik. (Itutuloy)