Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-42 na labas

Ilang oras din akong nag-stay sa condo ni Andrew. Wala naman kaming ibang ginawa kundi magkuwentuhan. Tila kulang pa ang maghapon at magdamag para makuntento kami sa pagdede­talye sa mga pangyayari sa buhay namin. Nalaman ko rin mula sa kanya na may pag-asa pa siyang makalakad sabi ni Doctor Alfonso. Pero nangangailangan nga lang talaga ito ng mahabang panahon at proseso.

Kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ko nang makauwi ako sa bahay. Tinawagan ko agad si nanay para ibalita sa kanya ang nangyari. Ang sabi niya natutuwa raw siya at masaya siya para sa aming dalawa ni Andrew.

Ganoon din ang reaksyon ni Tita Bebet.

“Siguro naman ngayon kumpletung-kumpleto na ang buhay mo.”

“Opo, sana nga po ito na ang tamang panahon para sa aming dalawa ni Andrew.”

“O siya, dahil diyan igagawa kita ng masarap na salad!”

“Hindi po, tita, ikaw ang igagawa ko ng masarap na salad na favorite mo! Anong gusto mo buko, macaroni o fruit?”

“Pwede ba lahat? Ang hirap pumili eh!”

Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag in love ka at in love din sa’yo ang taong mahal mo. Parang walang problema ang mundo, parang lahat ng bagay maganda sa paningin mo. Lahat magaan.

On air.

“Gusto ko pong i-share sa inyo ang ilan sa mga quotes na naging inspirasyon ko nitong mga nagdaang taon, here it goes…before you give up, think of the reason why you held on so long…you never know what tomorrow may bring, because something isn’t happening for you right now doesn’t mean that it will never happen, just find a reason lang to smile!

Paglabas ko sa booth ay naghihintay na sa akin si Andrew. Nakaupo sa wheelchair niya at kausap sa lobby ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho na napapalapit na rin sa kanya.

“Mr. Blue Moon, mukhang napapadalas ang pagdalaw mo sa’kin ha!” biro ko.

“Hindi na kasi ako makuntento na naririnig lang ang boses mo, gusto rin kitang makita everyday!”

“Wait, wait, wait, officially on na ba kayo?” tanong ni Edna.

Nagkatinginan kami ni Andrew. At halos sabay na tumango.

“EEEEEEEE!” tili ni Edna.

“Ssshhh! Ano ka ba, hindi lang tayo ang tao dito sa building!”

“Yes I know! Sorry naman! Hindi ko lang napigilan ang sarili ko!”

Maganda naman ang feedback ng mga listeners namin sa ipinost kong picture namin ni Andrew, kahit pa nakita nilang naka-wheelchair ito. May mga humanga pa nga sa lakas ng loob ni Andrew bilang Mr. Blue Moon.

On air.

“Yes po mga minamahal kong listeners, isang good news na naman po ang ise-share ko sa inyo ngayon…”

“Gusto mo bang ako na ang magsabi sa kanila ng good news?” singit ni Andrew.

“Okay, your turn!”

“Ahm, this is between me and DJ Blue Rose…it’s official, and I feel like I’m the happiest guy in the world now. We’re on now!”

“Yes po, it’s official, and dahil officially boyfriend girlfriend na kami e hayaan n’yo pong i-share din namin sa inyo ang pinagdaanan namin.”

Nagpatuloy ako sa pagtatapat ng tunay naming kaugnayan ni Mr. Blue Moon.

“We started back in Laguna…naging mag-boyfriend na po kami ni Mr. Blue Moon, siya po si Andrew Milan, isang lalaking tapat magmahal pero may sarili ring mundo…iniwan ko po siya dahil nakinig ako sa sinasabi ng iba, sa mga kapintasan niya, sa mga kahinaan niya…hanggang sa ilayo po siya sa akin ng tadhana, doon ko lang po na-realize na siya lang pala ang lalaking makakapagpasaya sa puso ko…pero sa kabila po ng pansamantala niyang pagkawala sa buhay ko, hindi po ako nawalan ng pag-asa…umasa po ako sa pagbabalik niya…kaya nga po nang marinig ko ang boses ni Mr. Blue Moon nabuhayan po ako ng loob! Kasi magkaboses na magkaboses po sila.

At nang makita ko siya ng personal, dito sa loob mismo ng booth ko, naiyak po ako sa tuwa, dahil hindi po ako nagkamali ng hinala…bumalik siya sa buhay ko…na ang lala­king matagal ko nang hinihintay na magbalik sa buhay ko at si Mr. Blue Moon ay iisa!” (Itutuloy)