Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-40 na labas

“Drew, I mean Mr. Blue Moon, alam ko ­marami pa tayong dapat pag-usapan off the air, pero habang oras pa ng trabaho, ako na muna si DJ Blue Rose at ikaw na muna si Mr. Blue Moon, okay?”

“Okay sige.”

Matapos ang kanta.

“Okay we’re back, gusto n’yo na bang ­i-reveal ko sa inyo kung sino ang ating espesyal na ­bisita tonight? Teka muna, bibitinin ko pa kayo ng ­konti, basahin ko muna ang mga messages n’yo ha! Umpisahan natin kay Pia na isa sa ating avid listeners…

“DJ Blue Rose, please tell us now, kasi ­hindi na ko makapaghintay, si Mr. Blue Moon ba ‘yan?”

“DJ Blue Rose feeling ko si Mr. Blue Moon na talaga! Please post it sa fb, now na!”

Ilang messages pa ang binasa ko.

“Okay sige, one more song na lang, siyempre kailangan muna naming mag-usap nitong bisita ko bago ko siya ipakilala sa inyo!”

Isang kanta pa at ibinigay ko na sa mga ­listeners ko ang ini-expect nila.

“Okay, listen, walang maglilipat ng radyo… dahil, because, sapagkat, narito na… walang iba…kundi si…dyaraann! Mr. Blue Moon!”

Pumailanlang ang recorded na palakpakan.

Isang saglit na katahimikan.

“Ay ayaw nilang maniwala kasi hindi nila naririnig ang boses mo, c’mon pretty boy, talk to them!”

“Hi! Good evening po! Happy Valentines sa inyong lahat!”

“You know what guys, kung anong nilambing ng boses ni Mr. Blue Moon, siya ring ginwapo ng mukha! Kaya good luck sa beauty ko!”
“Bakit? Ang ganda-ganda mo nga DJ Blue Rose eh!” singit ni Blue Moon.

“Bolero ka ha, pero tanungin n’yo ako guys kung anong pasalubong sa akin ni Mr. Blue Moon!”

“ANO?” isang recorded na tinig.

“Ano pa e ‘di pinalibutan lang naman niya ng mga bulaklak na rose ang buong booth ko, kaya instead mag-Dangwa kayo eh dito na kayo ­bumili sa’kin ng mga bulaklak at makaka-discount kayo!” biro ko.

Matapos ang ilang pasakalye at biruan ay ­nauwi kami sa isang seryosong usapan.

“DJ Blue Rose, ito na siguro ang pinaka­masayang moment sa buhay ko…”

“Mali ka, kasi alam ko marami pang maga­ganda at sweet moment ang naghihintay para sa ating dalawa…”

Habang nagbobolahan kami on the air ay inip na inip na akong matapos ang programang iyon dahil gustung-gusto ko nang makausap si Andrew bilang Andrew at hindi bilang si Mr. Blue Moon!

Nang sa wakas ay natapos iyon, nagpunta kami ni Andrew sa coffee shop para doon mag-usap. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari sa kanya.
“Ang naalala ko lang tinangay ako ng agos, naramdaman ko pa ang pagtama ng paa ko sa isang matigas na bagay nang may humawak sa ­balikat ko at hinila ako, tapos no’n nawalan na ako ng malay…nang magising ako, nasa loob ako ng isang malaking bahay…at ang mga paa ko, ­hindi ko na maigalaw. Noon ko na-realize na hindi pala lahat ng pwedeng mangyari sa akin ay kaya kong matanggap…Nalaman ko na isang doctor ang ­nakasagip sa akin…isang matandang ­lalaking doctor at siya ring gumagamot sa mga paa ko hanggang ngayon…dahil sa kalagayan ko pinili ko na lang na magtago sa mundo…”

“Wala kang pinagsabihan ng kalagayan mo ­kahit kay Ka Berto na labis ang pag-aalala sa’yo?”

“Nagpahiwatig ako sa kanya na buhay ako, nagpadala ako ng sulat sa kanya, pero ibinilin ko na wala siyang pagsasabihan…”

“Dahil lang ba sa nawalan ka ng kakayahang lumakad kaya itinago mo ang sarili mo? Nasaan na ang Andrew na kilala ko noon? ‘Yung ­malawak ang pang-unawa sa lahat ng bagay at kayang tanggapin anuman ang mangyari sa buhay niya?” ­(Itutuloy)