Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-38 na labas

Ilang saglit bago ko sinagot ang tanong niya.

“Alam mo tama ka eh, hindi na dapat natin paasahin ang mga sarili natin, kailangan nating mag-move on…pero gusto ko sanang mag-move on nang mag-isa.”

“Hindi, Julia, hindi ko na kaya pang mawala ka ulit sa’kin, kaya hindi ako susuko. Pero ikaw, sana sumuko ka na sa mga tao na wala naman sa tabi mo at hindi mo naman nakikita.”

“Kung ‘yan ang gusto mo bahala ka, pero gusto ko lang na maging malinaw sa’yo na hindi kita pinapaasa, wala na akong feelings para sa’yo. Let’s just be friends.”

Hindi kumibo si Jab. Pero kilala ko siya. Alam kong hindi ko siya mapapasuko sa isang ­salita ko lang. Tulad nang kung paano siya hindi sumuko sa pag-push sa akin para manalo sa mga ­swimming competition namin noon.

Pagdating ko sa istasyon, sa lobby pa lang ay sinalubong na ako ni Alma.

“Ma’am, buti at dumating ka na, pinapatawag ka ni Mr. Lee sa office niya.”

“Ha? bakit raw?”

“Malamang po may kinalaman na naman ito kay Mr. Blue Moon!” nakangiti pero curious ang mukha ni Alma.

“O sige na, doon na lang ako didiretso.”

Naabutan kong may kausap sa phone si Mr. Lee. Sinenyasan niya ako na maupo na. Ilang ­saglit lang at ibinaba na niya ang phone at naupo sa swivel chair niya sa harap ko.

“Julia, malapit na ang Valentine’s day pero wala pa ring nangyayari sa inyo ni Mr. Blue Moon, naiinip na ang mga listeners natin.”

“Sir, nagkasakit po siya, kailangan rin naman po nating i-consider ‘yon.”

“Yes, pero one week na ang nakalipas, talk to him off the air, kailangan ko ng magandang ­resulta sa pag-uusap n’yo asap, okay?”

“Y-yes sir…”

Sa loob-loob ko lang nakakainis talaga ‘tong si Mr. Lee. Bakit ba minamadali niya kami ni Blue Moon? Paano kung magkita kami at hindi naman pala siya si Andrew, tapos walang spark? Ano nang mangyayari sa tambalan namin on air? Grabe na’to, kailangan na talaga naming magkita ni Mr. Blue Moon para malaman ko na ang sagot sa mga tanong na matagal nang bumabagabag sa puso’t isipan ko.

Plano ko na sanang i-convince si Mr. Blue Moon na ituloy na namin ang naudlot naming pagkikita nang ako naman ang magkasakit at ­hindi makapasok.

Habang nagpapahinga ako sa kuwarto ay ­nakikinig ako kay Wilson na siyang pumalit muna sa programa ko.

“Get well soon, DJ Blue Rose, I know you’re listening right now, and you know what, sobrang miss ka na ng mga listeners mo, kaya pagaling ka para marinig na nila ulit ang ginintuan mong ­tinig ha!”

Napangiti ako. Wala talagang kupas si Wilson. Isa siya sa mga hinahangaan at nirerespeto kong DJ.

Inakala ko na isang simpleng lagnat lang ang nararamdaman ko, pero ilang araw na tumagal iyon hanggang sa kailanganin kong ma-confine sa ospital. Na-dengue raw ako, mabuti na lang at naagapan.

Sa pagmulat ng mga mata ko ay si Tita Bebet ang bumungad sa akin.

“O ano, kumusta ang pakiramdam mo?”

“Medyo okay na po…”

“Sobrang nag-alala ang mga magulang mo, pero sinabi ko naman sa kanila na maayos na ang kalagayan mo kaya tulad ng binilin mo, hindi ko na sila pinaluwas pero gusto ka nilang maka­usap sa phone sa oras daw na magising ka para ­mapanatag sila.”

“Tita gusto ko na pong makalabas dito sa ­ospital.”

“‘Wag kang mag-alala, makakalabas ka na rin, siyanga pala dumalaw dito si Kristine at si Jab, saka si Edna. Kaya lang tulog ka, hindi ka na nila pinagising.” (Itutuloy)