Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-37 na labas

Mula sa loob ng building ay nilapitan din kami ni Alma.

“Ma’am Julia malapit na po tayong mag-on air!”

“O-okay sige, susunod na’ko.”

Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na si Alma.

“Julia let’s go,” aya naman sa’kin ni Edna.

Ilang minuto pa lang ako nakaupo sa booth nang makausap ko off air si Mr. Blue Moon. Hindi raw siya makakarating dahil nagkasakit siya. Sobra akong na-disappoint pero hindi ko iyon pinahalata.

“It’s okay Mr. Blue Moon, marami pa namang araw, but next time make sure na hindi mo na bibiguin ang mga listeners natin.”

“Y-yes, I’m really sorry…”

On air.

“I-get well soon po natin si Mr. Blue Moon kasi may sakit po siya ngayon, kung sad po kayo syempre sad din po ako sa naudlot naming pagkikita at sa pagkakasakit niya, siguro po sa sobrang excited niya kaya nangyari ‘yon, but don’t worry mangyayari rin po ang pagkikita namin…sa tamang panahon!” pahabol ko pang biro.

Marami ang nag-react sa hindi natuloy naming pagkikita ni Mr. Blue Moon. Binasa ko on air ang mga text nila.

“DJ Blue Rose, I hope na hindi po nagdadahilan lang si Mr. Blue Moon para hindi matuloy ang pagkikita n’yo! Nabitin po kaming mga listeners!”

Sinagot ko iyon on air din.

“Miss Maryjo, tingin ko naman hindi magagawa sa atin ‘yon ni Mr. Blue Moon, he promise naman to be with us very soon ‘pag gumaling na siya, so wait-wait lang tayo, remember patience is a virtue!”

Habang umeere ang tatlong sunod na lovesong ay laman ng isip ko si Andrew at si Mr. Blue Moon. Siya na kaya talaga si Mr. Blue Moon? Anong ginagawa niya sa harap ng building kanina? Pero kung siya nga ‘yon bakit siya nakakotse? Nagmamadaling umalis ang kotse na ‘yon kahit alam kong nakita niya rin ako at imposibleng hindi niya narinig ang pagsigaw ko. At si Mr. Blue Moon, hindi duma­ting…baka siya na nga ‘yon…

Nagulat pa ako nang tapikin ako ni Alma sa balikat.

“Ma’am, back on air na po tayo,” pabulong na sabi nito.

“O-okay sige.”

Sunday. Muli akong binisita ni Jab. Tulad ng inaasahan ko, ipipilit na naman niya ang sarili niya kahit sinasabi niyang willing siyang maghintay.

“Julia, bakit mo ba pinapaasa ang sarili mo sa isang taong hindi mo na nakikita at sa isang tao na hindi mo pa nakikita, look at me, I’m here, nasa tabi mo at hindi na mawawala pa sa tabi mo.” Pareho niyang tinukoy sina Andrew at Mr. Blue Moon.

Nasa terrace kami. Pareho kaming nakaupo sa isang table.

“I’m sorry, Jab ha, pinatawad na naman kita eh, pero ‘yung tungkol sa’ting dalawa, matagal nang tapos at matagal ko na ring nakalimutan.”
“Anong ibig mong sabihin, Julia, binabasted mo na ba’ko?” (Itutuloy)