Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-36 na labas

Dahil malapit na ang Valentine’s day, isang gimik ang pinlano ng management. Gusto nila na mag-meet na kami ni Mr. Blue Moon para sa development ng binuong tambalan namin on air. Hindi agad pumayag si Mr. Blue Moon dahil sabi niya hindi pa siya ready. Pero nakumbinsi rin siya ni Mr. Lee through phone at nagkaroon nga ng exact date ang first meeting namin.

“Julia, sa tingin mo ba mas okay na sa booth maganap ang first meeting n’yo or sa isang ­romantic place?”

“Okay na siguro sa booth sir.”

“Hindi kasi pwedeng okay lang, dapat ‘yung okay na okay, ‘yung the best!”

“E sir, hindi ba, masyado pang maaga para sa pagkikita namin?”

“Julia, kung kailan na-convince ko na si Blue Moon, ikaw pa ba ang aatras?”

Hindi ko lang masabi kay Mr. Lee kung ­gaano ako ka-excited na makita sa personal si Mr. Blue Moon. Na ang dahilan lang ng pagse-second thought ko ay ang isipin na baka mabigo ulit ako sa pag-asang si Mr. Blue Moon at si Andrew ay iisa. Na baka maputol ang ilusyon ko kung magkaibang tao talaga sila.

“S-sige po sir, siguro mas okay po kung sa booth na lang muna talaga, para marinig siya ng mga listeners ko live on air, kung magiging okay po ang lahat e, let’s talk about our first date!”

“Good idea! Let’s work on it!”

On air.

“Eto na, eto na ang good news mga ­listeners! O makinig mabuti ha, kung anuman ang mga pinagkakaabalahan n’yo, please pahiramin n’yo lang po ako ng ilang minuto para sabihin sa inyo ang good news! Ready na ba kayong makinig? Okay kung ready na kayo, ito na nga po…­dumating na po ang tamang panahon para sa ­aming dalawa ni Mr. Blue Moon!”

Nagparinig ako ng palakpakan sa mga ­listeners. Ang pagsasabi ko ng magandang ­balitang iyon sa kanila ay sinasalitan ko ng isang lovesong na may pamagat na If This Is Love.

“Yes, tama po ang narinig n’yo, kaya abangan n’yo po ang pagbisita niya rito, asap! O ‘yan ha, right here po sa ating very simple booth! Kung ­excited kayo, mas excited ako! As in! kaya Mr. Blue Moon, wala nang atrasan ‘to ha!”

Bago ang araw ng pagbisita ni Mr. Blue Moon sa booth ay tinawagan ko si nanay. Kinumusta ko si Ka Berto at kung may balita na ba tungkol kay Andrew.

“Anak, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin ­sumusuko? Bakit hindi mo na lang ibaling ang puso mo sa iba? Tulad niyang Mr. Blue Moon na ‘yan, malay mo mas higit pa siya kay Andrew?”

“Hindi ko po maintindihan, nay e, kahit anong gawin ko hindi siya maalis sa isip ko.”

Related Posts

“Subukan mo pa rin, saka ako naman ang ­unang-unang maghahatid sa’yo ng balita kung sakali man na may malaman ako tungkol kay ­Andrew.”

“Sige po ‘nay, tatawag na lang po ako ulit.”

Araw ng pagbisita ni Mr. Blue Moon sa ­istasyon. Hindi ko maiwasan ang kabahan.

“Julia, nakailang kape ka na ba? Lalo ka lang nenerbyusin niyan sa ginagawa mo eh!” puna ni Edna. Nasa loob kami ng coffee shop no’n sa loob ng building.

“Pasensya na feeling ko kasi nababawasan ang kaba ko kapag nagkakape ako eh!”

“Feeling mo lang ‘yon, pero ang totoo, lalo pang nadaragdagan ‘yang daga sa dibdib mo, relax, chill, cool, dapat smile lang para hindi mabawasan ang byuti!” nakangiting sabi ni Edna.

Palabas na kami ng coffee shop na malapit sa entrance ng building. Napatingin ako sa naka­paradang kotse sa harapan mismo at hindi ko mapaniwalaan ang nakita ng mga mata ko. Pero ang kotseng ‘yon ay mabilis na nagsara ng bintana at nagsimulang umandar.

“A-Andrew?…”

Nag-unahan ang mga paa ko sa paghakbang palabas sa exit.

“ANDREW! ANDREW!” sigaw ko habang ­hinahabol ko ng tanaw ang palayong kotse.

Hindi ako pwedeng magkamali! Si Andrew ang nakita ko! Nakita kong nagulat siya nang mapatingin ako sa kanya.

“ANDREW!”

Pero tuluyan nang nakalayo ang sasakyan. Nilapitan ako ni Edna na sumunod sa paglabas ko.

“Julia, sinong nakita mo?”

“Si Andrew! Nakita ko siya, kitang-kita ko, ­nakatingin rin siya sa’kin!”

Hinawakan ako ni Edna sa balikat.

“Julia, kung maraming magka-boses sa ­mundo, marami ring magkamukha, kung si Andrew ang nakita mo e ‘di sana bumaba siya sa kotse at nila­pitan ka na niya?”

“Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ­bigla siyang umalis, pero sigurado ako, siya ang nakita ko!”(Itutuloy)