Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-35 na labas

“Tulad ng sinabi ko sa card na nasa unang ­bulaklak na pinadala ko sa’yo, I’m back…in your life…”

“Paano mo naman nasiguro na may babalikan ka pa?”

“Pinilit ko si Kristine na sabihin sa’kin ang status mo, I already told her na mahal na mahal pa rin kita, na nagkamali ako noon and I’m ­willing to do anything, everything para lang mabalik tayo sa dati.”

“Jab, I’m sorry pero…”

“Pero iniisip mo pa rin ba hanggang ngayon ang Andrew na ‘yon?”

Saglit akong natigilan.

“P-paano mong…”

“Pa’no ko nalaman? Sinabi sa akin ni ­Kristine kung anong pinagdaraanan mo until now, kaya nga naisip ko tamang-tama lang ang ­pagbabalik ko sa buhay mo, sisikapin kong makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa’yo noon, sa mga pagka­kamali ko at patutunayan ko sa’yong mas karapat-dapat ako sa pagmamahal mo.”

Gusto kong sabihin kay Jab na siguradung-sigurado na ako sa nararamdaman ko at hindi na magbabago pa ang nilalaman ng puso ko. Si ­Andrew lang at kung hindi na babalik pa sa buhay ko si Andrew ay hindi na ako magmamahal pa ng iba. Pero bago ko pa masabi iyon sa kanya…

“Hindi kita minamadaling patawarin ako ­Julia, I’m willing to wait…”

On air. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para mag-open up kay Mr. Blue Moon.

“Bakit gano’n Mr. Blue Moon, bakit parang napakahirap maging masaya…kahit nasa akin na ang halos lahat ng mga pinangarap ko… ­mabuting pamilya, mababait na mga kaibigan, magandang trabaho…pero bakit dahil lang sa isang tao na ­kulang sa buhay ko, hindi ko maramdaman ang tunay na saya sa puso ko?”

Related Posts

“Siguro pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon, we both longing for someone…pero ­ibabalik ko lang sa’yo ang palagi mong ina-advice sa’kin na quotes, I can’t promise to fix all your problems but I can promise you won’t have to face them alone…”

Ang mga sumunod na messages na ­natanggap ko mula sa mga listeners namin ay muling ­nagpangiti sa akin.

“DJ Blue Rose bagay na bagay talaga kayo ni Mr. Blue Moon, ramdam na ramdam ko ‘yung ­sincerity niya lalo na nu’ng magbigay din siya ng advice sa’yo, puwede rin pala siyang DJ!”

“Hi my beautiful DJ! I’m looking forward sa pagbisita ni Mr. Blue Moon sa booth mo, gusto kong marinig kayo na magkasama at parehong magbigay ng advice sa aming mga listeners! We love you po!”

“DJ Blue Rose sana matuloy na ang pagkikita niyo ni Mr. Blue Moon para maging kayo na lang at makalimutan niyo na ang mga past niyo!”
“My dear DJ, sana si Mr. Blue Moon na ang destiny mo!”

Patulog na ako nang maka-receive ako ng call mula kay Kristine.

“Girl, sorry talaga sa paglilihim ko sa’yo about Jab ha, nakiusap lang naman siya sa’kin nang ­dumating siya from America, since alam ko ­naman na malungkot pa rin ang lovelife mo kaya pinush ko na lang ‘yung mystery effect niya kasi nagbabakasakali ako na sumaya ka ulit!”

“Alam mo gusto nga kitang kurut-kurutin at sabunutan eh, pero useless rin naman ‘pag ginawa ko ‘yon kaya sige na forgiven ka na, tutal nag­pagod ka naman para sa birthday party ko at nakasama ko ang family ko because of that!”

“Talaga? Thank you ha! So anong plano mo ngayon?”

“Plano na naman?”
“Yes, hindi na lang ito tungkol kay Jab, tungkol na rin sa iniilusyon mong si Mr. Blue Moon! Narinig ko kasi ‘yung mga emote-emote niyo habang busy ako sa office, napatigil talaga ako sa ginagawa ko at aaminin kong na-excite ako kaya gusto kong mauna na malaman ang real score bago pa ang mga listeners mo!”

Natawa ako sa sinabi ni Kristine.

“Hindi ko alam ang score, saka wala namang nakakaalam kung ano ‘yung next na mangyayari sa aming dalawa!”

“Asus, ‘di ba scripted?”

“Pagdating sa tunay na nararamdaman ng puso, walang script.” (Itutuloy)