Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-32 na labas

“K-kasi… kung noon hindi niya ‘ko natanggap, siguro mas lalo na ngayon… iba na kasi ang situation ko, mas mahirap kaysa dati…”

“Okay Mr. Blue Moon, hindi na kita pipili­ting i-reveal sa ating mga listeners kung anuman ang kalagayan mo ngayon na siyang pumipigil sa’yo sa paglapit sa kanya, ito na lang ang masasabi ko, whatever it is don’t lose hope as long as your eyes can see things, as long as your mouth can speak, as long as your ears can hear, and most of all, as long as your heart beats, there is hope, okay? And just remember this, I can’t promise to fix all your problems but I can promise you won’t have to face them alone! So let me play this song for you… but wait, before I play this song gusto ko lang malaman mo na, I’m just here, always waitin­g for your voice to be heard…”

Habang umeere ang isang lovesong ay tila pana itong tumatagos sa puso ko. Hindi ko kasi maiwasang isipin na si Mr. Blue Moon ay si Andrew dahil sa masyadong pagkakahawig ng boses nila.

“Julia, bulaklak mo!” si Edna. Lumapit siya sa akin at inilapag sa table ko ang bulaklak.

“Hindi ba talaga makita sa CCTV natin ang nagdadala ng mga flower na ‘yan?”

“E ‘di ba nga delivery lang ‘yan, tapos iba’t ibang tao pa ang inuutusang magpa-deliver, so feeling ko pinag-isipan talagang mabuti ng taong ito kung paanong hindi mo siya makikilala!”

“Okay, next time ‘wag na lang nating tanggapin, ipabalik natin sa nagpa-deliver.”

“Gano’n? sayang naman ang ganda ng ayos ng mga rose oh, kung gusto mo akin na lang ‘yung mga ipapadala pa sa’yo tutal wala namang nagbibigay sa’kin ng bulaklak eh!”

“Sira ka talaga!” natatawa kong sabi.

Pero seryoso ako sa sinabi ko. Nang ako mismo ang maka-receive ng bulaklak ay ipinakita ko talaga sa nag-deliver na idiniretso ko iyon sa basura­han. Baka kasi ito ang paraan para mapilitang magpa­kilala sa akin ang kung sinuman na nasa likod nito.

Isang radyoserye nga ang nabuo sa pagitan namin ni Mr. Blue Moon. Sinimulan namin ito sa pamamagitan ng pagpapalitan namin ng mga jokes and quotes. Maging mga pick up lines.

“DJ Blue Rose, hangin ka ba?”

“Bakit?”

“Kasi nahihirapan akong huminga kapag wala ka!”

“Naks naman o eto Mr. Blue Moon, lovesong ka ba?”

“Bakit?”

“Kasi napapa-hum ako kapag naririnig kita!”

Marami ang sumubaybay sa kung ano pa ang puwedeng mangyari sa amin.

“DJ Blue Rose, kapag nakita mo ako kikiligin ka kaya?”

“Boses mo pa nga lang kinikilig na’ko eh!”

“Talaga? salamat ha!”

“Salamat sa’n?”

“Sa pagpapagaan ng loob ko, para kang gamot na nagpapahilom sa sugat ng puso ko.”

“Naks naman pero alam mo naisip ko, what if magkita tayo?”

Siguro natigilan siya, nabigla sa sinabi ko dahil hindi agad siya nakasagot.

“Mr. Blue Moon, hinihintay ng mga listeners ang sagot mo, ano sa tingin mo?”

“H-ha? e…”

“Uy ninenerbiyos, siguro ang chaka mo no? joke lang!”

“Hindi ah, sabi ng mama ko guwapo raw ako!”

Ako naman ang natigilan pagkabanggit niya sa mama.

“Mr. Blue Moon, matanong ko lang, ano bang pinagkakaabalahan ng mama mo ngayon, batiin mo naman siya!”

Binati niya ang mama niya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

“Hi Ma, I miss you so much…”

“You miss her, so ibang bang sabihin hindi kayo magkasama ngayon?”

“Oo.” Pagkasabi niyon ay biglang nawala sa line si Mr. Blue Moon.

“Hello Mr. Blue Moon?…”

Hinayaan ko na lang munang maputol ang conversation namin doon. (Itutuloy)