Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-31 na labas

Nang makababa na ako sa stage ay nilapitan ako ni Alma.

“Ma’am, may nagpapabigay po nito…” isang boquet ng red roses na may kasamang card ang iniabot niya sa akin.
Binasa ko ang nakasulat sa card.

“I’m back… in your life…” walang pangalan. Iyon lang ang tanging nakasulat. Luminga ako sa paligid.
“Alma, sino ang nag-abot sa’yo nito?”

“Hindi ko kilala e pero batang lalaki lang ang nag-abot niyan, inutos lang din daw sa kanya, nu’ng pinapaturo ko kung sino ang nag-utos e nawala na raw do’n sa kinatatayuan ‘yung lalaki!”

Nilapitan kami ni Wilson.

“Uy, sinong nakauna sa’king magbigay niyan ha?” biro nito.

“Hindi ko alam, malamang isa sa mga caller ko.” mahina kong sagot.

“‘Di bale, since may nauna na sa’king magbigay ng bulaklak e teddy bear na lang ang ibibigay ko sa’yo!”

“Sira, hindi mo naman ako kailangang bigyan!”

Nakauwi na’ko ay palaisipan pa rin sa’kin kung sino ang nagbigay ng bulaklak. Kung ang nakasulat sa card ang pagbabasehan, malamang ay bahagi ito ng ankaraan niya… si Andrew na kaya ‘yon? sana siya na nga…

Akala ko iyon na ang una’t huli na makakatanggap ako ng bulaklak mula sa stranger pero naging weekly na ang pagpapadala nito.

“Naku ha, curious na talaga ko riyan sa stranger na ‘yan! Malamang stalker ‘yan, kundi ba naman nakakapagpa-deliver siya ng bulaklak hindi lang dito sa station kundi maging sa bahay n’yo!” comment ni Edna habang sabay kaming nagkakape sa lobby.

“‘Di bale, magsasawa rin siya sa gimik niya kung sinuman siya, magpapakilala at magpapakilala rin siya!”

“E sana naman guwapo hindi kuwago! Para naman may saysay ‘yung pagpapa-mystery effect niya no!”

Deep inside ay lumalaki na ang pag-asa sa puso ko. Baka nga si Andrew na ang nasa likod ng boses na ‘yon pati ang nasa likod ng mga bulaklak na natatanggap niya.

Sa muling pagtawag sa’kin ni nanay ay binanggit ko sa kanya ang tungkol sa mga bulaklak na natatanggap ko.

“Naku anak, mag-ingat ka ha, baka mamaya stalker na ‘yan!”

“Hindi naman po siguro, iba po ang pakiramdam ko eh!”

“Sana naman hindi ka magkamali ng kutob.”

“E nay kumusta naman po si tatay at ‘yung dalawang makulit diyan?”

Related Posts

“Ang tatay mo sige pa rin sa pamamasada, ang bunso nating si Lia, kasama ulit sa top sa school at si Bob naman, wiling-wili pa rin sa pagku-culinary!”

“Hayaan n’yo lang kung anong direksyon ang gusto niyang tahakin, basta ba magpaka-good boy lang siya!”

“Naku e may nililigawan na nga!”

“Okay lang ‘yon nay basta ‘wag kayong magsawa sa pagpapaalala sa kanya, sige po, tatawag na lang po ako ulit.”

“Sige anak, ingat ka lagi riyan!”

Kapag tinatawagan ko sina nanay at natitiyak kong okay lang sila, napapanatag ang loob ko.

Dahil sa caller kong si Mr. Blue Moon ay naging exciting ang bawat araw ko. Palagi ko nang inaabangan ang tawag niya. At sa tuwing matatanggap ko naman ang mga bulaklak ay iniisip kong sa kanya galing ‘yon.

Hanggang sa kausapin ako ng station manager namin tungkol dito.

“Julia,what if gawin nating radyoserye ang tambalan n’yo ni Mr. Blue Moon?”

Natawa ako.

“Sir naman, hindi na kami mga teenager para magpakilig pa, saka wala kaming something ni Mr. Blue Moon!”
Nagbuntong hininga si Mr. Lee.

“I’ve heard kasi na marami ng sumusubaybay sa pagtawag nitong si Mr. Blue Moon eh, maraming listener­s ang nakuha niya ang attention dahil sa pag-e-emote niya sa programa mo, so naisip ko lang na mas gaganda pa ang ratings ng programa mo kung meron na silang inaabangan at kinakikiligan ‘di ba?”

“So, pa’no naman natin gagawin ‘yon sir, kakausapin natin off the air si Mr. Blue Moon, tapos gagawa tayo ng script na kunwari ay mahuhulog ang loob niya sa’kin dahil sa madalas kong pagko-comfort sa kanya?”
“EXACTLY! “tila nabuhayan ng loob na bulalas ni Mr. Lee.

Napasandal ako sa kinauupuan ko.

“OMG sir! Hindi ko alam kung keri ko!”

“C’mon Julia, for your program sake! This will be trending promise!”

Nang muli kong makausap si Mr. Blue Moon on air ay pinakiramdaman ko muna siya. Plano kong kausapin siya tungkol sa plano ng management right after his call. Pero hindi pa man nag-uumpisa ang script ay tila dalang-dala na ako sa emote niya.

“I feel so desperate DJ Blue Rose… pakiramdam ko kasi naiwanan na’ko ng panahon, naubusan na’ko ng pagkakataon…”

“Oh why are you so negative naman, ‘wag kang mawalan ng pag-asa… curious lang ako Mr. Blue Moon, ito bang girl na sinasabi mo eh nakita mo na ulit? Natagpuan mo na ba siya?”

“Y-yes… I know where she is… I know what she’s doing…”

“So anong pumipigil sa’yo para sundin ang ibinubulong ng puso mo?” (Itutuloy)