Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-30 na labas

“Shut up! Buhay pa siya at babalik siya sa buhay ko.”

“Ay ang init ng ulo oh!”

“S-sorry… excuse me.” Tumayo ako at nagpunta sa cr.

Sa loob ng cr hinarap ko ang sarili ko sa salamin.

“Bakit Julia? Hanggang ngayon ba talaga?…” tanong ko ‘yon palagi sa sarili ko na hindi ko naman mabigyan ng kasagutan.

Isang gabi. Isang caller ang nagbigay ng pag-asa sa’kin.

“Hello DJ Blue Rose… I just want to share my feelings…”

“‘Yan naman talaga ang hinihintay namin dito Mr.?…”

“Call me Mr. Blue Moon.”

“Wow, tineternuhan mo talaga ‘ko ha, Mr. Blue Moon, by the way hindi na kami makakapaghintay pa na i-share mo sa’min anuman ‘yang nasa loob mo!”

“This is about the girl na minahal ko long time ago… and still…”

“Then?”

“I don’t know kung naaalala pa niya ko… gusto ko siyang makita at gusto kong malaman ang sagot sa tanong ko…”

“You know what Mr. Blue Moon, bakit hindi mo na lang siya puntahan and tell her anything you want, galaw-galaw ika nga!”

“H-hindi ko alam kung pa’no…”

“Madali lang ‘yan! question, alam mo ba kung nasaan siya? Kung ready to mingle pa siya o taken na? after that, aba e next level na tayo, kailangan alamin mo na kung may pag-asa pa ba!”

“T-thank you DJ Blue Rose…”

Matapos kong makausap ang caller na ‘yon ay biglang may bumagabag sa’kin… ang tinig na ‘yon, masyadong pamilyar… parang siya… parang si Andrew… pero posible bang siya ‘yon? nabuhayan ako ng pag-asa… sana siya nga… sana siya na nga…

Ilang beses ko pang nakausap through the phone ang caller kong si Mr. Blue Moon. At sa tuwing makakausap ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko.

“Nak, ‘wag mong paasahin ang sarili mo, baka masaktan ka lang kapag nalaman mong ibang tao pala ‘yon, na hindi pala ‘yon si Andrew…” sabi ni nanay nang tawagan niya ako at naikuwento ko sa kanya ang tungkol kay Mr. Blue Moon.

“Alam ko naman po ‘nay e… hindi ko lang maintindihan kung bakit gano’n ang nararamdaman ko kapag nakakausap ko ang caller na ‘yon… parang gustong-gusto ko na nga po na makita siya sa personal para matigil na ang ilusyon ko.”

“Bakit hindi mo na lang siya tanungin, straight to the point kung sino ba talaga siya?”

“Hindi ko po magawa e, parang may pumipigil din sa’kin na gawin ‘yon.”

“Gano’n ba, e ‘di hintayin mo na lang na ang tadhana ang gumawa no’n para sa’yo!”

“And the Best Newcomer DJ award goes to… DJ…BLUE ROSE!”

Napaluha ako. Tears of joy dahil sa maikling panahon ko pa lang sa trabaho ko ay tatanggap na agad ako ng isang pagkilala!

“Thank you po, sa lahat ng pumili sa’kin para sa award na’to… sa mga boss ko, sa family ko, sa P.A. kong si Alma, sa lahat ng mga kaibigan at kapwa ko DJ, and of course thank you Lord!” (Itutuloy)