Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-26 na labas

“Quotes lang ‘yon!” biro ko.

“I believe in quotes remember?”

“Okay, totoo naman ‘yon, kasi kapag kasama kita parang walang word na sadness! You always make me feel better!”

Isang araw ay nagkasabay kami ni Ka Berto sa paglalakad. Galing kasi ako sa tindahan samantalang pauwi naman siya mula sa bukid.
“Ka Berto si Andrew po bakit hindi niyo kasabay?”

“Palagi naman akong nauunang umuwi, ewan ko ba sa batang ‘yon, palagi na lang nagpapaiwan, nakaupo lang do’n sa ilalim ng puno.”
“Ho? E sino pa hong kasama niya ro’n?”

“Siya lang mag-isa. Sanay naman siya ng ganoon. Palaging nag-iisa, minsan lang makihalubilo ‘yon sa mga kasama namin sa bukid. Tulad pa rin siya ng dati, mabait, masayahin pero mailap pa rin sa mga tao!”

Dahil do’n lalo akong nakaramdam ng awa kay Andrew. Kasi parang napakalungkot ng buhay niya. Wala na ang mama niya, nagpamilya na ng bago ang papa niya tapos wala pang natirang kabuhayan sa kanya. Siya na lang yata ang hindi nagbabago. Tulad ng sinabi ni Ka Berto, tulad pa rin siya ng dati.

Gabi.
“Anak, tingnan mo itong tinahi ko para sa’yo!”

Ipinakita sa akin ni nanay ang blouse na tinahi niya. Ngumiti ako at kinuha sa kanya ang damit.
“Ang ganda po.”

“Talaga? e ba’t parang hindi ka naman talaga nagagandahan?”
“Nay!”

“Joke lang anak, ano ba kasi ang iniisip mo ba’t kanina ka pa nakapamintana, may hinihintay ka ba? Siguro si Andrew ano?”
“Hindi po no!”

“Asus, e mula nang dumating ka palagi na naman kayong magkasama, talaga bang hanggang friends na lang kayo?”

Related Posts

“Hanggang do’n lang po muna, hindi ko pa po kasi sigurado kung ano ba ‘tong nararamdaman ko para sa kanya, baka kasi awa lang ‘to, ayoko naman pong magkamali ulit…”

“Naku mahirap nga ‘yan anak, kung awa lang ang nararamdaman mo e dapat ‘wag mo na lang paasahin ‘yung tao!”

“Hindi, okay lang naman po sa’kin!” singit ni Andrew. Pareho kaming nabigla ni nanay dahil nasa pintuan na pala siya nang hindi namin namalayan.

“Andrew!”

“Napadaan lang ako para ibigay ‘tong mga prutas! Aalis na rin ako! Sige po Manang Biday magandang gabi po!”

Humakbang na palayo si Andrew. Sinundan ko siya.
“Drew sandali!”

Huminto naman siya sa paghakbang.
“Galit ka ‘di ba?”

“Galit? Bakit ako magagalit?”
“Dahil may karapatan kang magalit, may karapatan kang sumama ang loob!”
“Julia, hindi kita maintindihan.”

“Bakit ba kasi parang ang manhid-manhid mo? Parang lahat na lang okay sa’yo! Hindi lahat ng bagay sa mundo okay, hindi lahat ng nangyayari dapat na lang tanggapin!”

“Ano bang gusto mo Julia, magmukmok ako dahil puro pangit ang nangyayari sa’kin ngayon? Magalit ako sa’yo dahil naaawa ka sa’kin at pinapaasa mo ako? Pero hindi gano’n ang nararamdaman ko.”

“So anong nandiyan sa loob mo? Gusto kong malaman, gusto kong isigaw mo kung anong nandiyan sa loob mo!”

“Gusto mo talagang malaman?”
“Oo, gusto kong malaman!”

“MAHAL KITA JULIA! MAHAL NA MAHAL KITA!” Natigilan ako.

“Iyon lang ang nasa loob ko at wala ng iba,” pagkasabi niyon ay tinitigan ako ni Andrew. Ilang saglit bago niya binitawan ang isang tanong. (Itutuloy)