Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-24 na labas

“Julia, paano mo nalamang nandito ako?”

“Ako dapat ang magtanong, bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka?”

“Dahil nakapagdesisyon na ako, kailangan ko munang lumayo sa’yo… ayokong madamay ka pa sa pinagdaraanan ko…”

“May problema ka ba kaya mo ginawa ‘yon?… I’m here to listen, sorry kung tinalikuran kita agad… sorry kung natakot ako…”

Hinawakan ni Jab ang mga kamay ko.

“Naiintindihan kita Julia. In fact, ‘yung sarili ko ang hindi ko maintindihan, I think kailangan ko talaga munang makapag-isa para makapag-isip… and of course, alam kong hindi mapagtatakpan ng sorry ang nagawa ko sa’yo that day in our monthsary… I’m really sorry…”

“Itutuloy mo ba ang pag-alis mo?”

Marahang tumango si Jab. Marahan naman akong tumungo. Hinawakan niya ang chin ko at itinaas iyon.

“My love, keep your head up high and smile. I have to go.”

Hinalikan ako ni Jab sa noo bago niya ako tinalikuran at nagsimulang humakbang palayo.

“JAB!” muling tawag ko.

Lumingon naman siya.

“Hindi mo na ba’ko mahal?”

Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay malungkot siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglakad.

Napamahal na rin sa akin si Jab, Kahit ginugulo pa rin ni Andrew ang isip ko alam ko sa sarili ko na nagkapitak na rin sa puso ko si Jab. Kaya hindi ko maikakaila na sa mga sandaling iyon ay naramdaman ko ang sakit. Parang bumalik sa alaala ko kung paano ko noon iniwan si Andrew. Kung paano ko siya nasaktan. Ngayon ay damang-dama ko ang sakit na marahil ay tulad rin ng naramdaman noon ni Andrew.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pero wala na akong balak na habulin pa si Jab para pigilan siyang umalis.

Ilang araw ko ring iniyakan ang tuluyang pag-iwan sa akin ni Jab.

Nagpatuloy ang ikot ng mundo ko kahit wala na si Jab. Pero ang bawat oras at minuto ko ay inilaan ko na lang sa pag-aaral. Pero sa tuwing mapapag-isa ko ay hindi ko maiwasang maalala ang mga tao na gusto kong kalimutan pero nananatili sa puso ko. Sina Melody at Andrew. Oo silang dalawa lang. Kasi hindi ko na masyadong iniisip si Jab. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko pa kayang ipaliwanag sa sarili ko ngayon.

Related Posts

Nasanay na rin ako na sa tuwing mag-o-open ako ng mga account ko sa Internet ay hindi maaa­ring wala akong mababasa na words of wisdom mula kay Andrew. Pero nitong mga huling araw ay nagtaka ako dahil hindi siya nagparamdam.

Nasagot ang tanong ko nang tawagan ko si nanay at kumustahin. Hindi ko na rin kasi makontak pati ang cellphone ni Andrew.

“Masamang balita anak, si Andrew kasi nakikitira na lang ngayon sa tiyuhin niya, kay Ka Berto, panganay na kapatid ng mama niya, pa’no ba naman, nailit ng bangko ang bahay at lupa nila, tapos ‘yung mga negosyo nila e napabayaan na pala ng papa niya dahil busy nga sa babae, alam mo na, maluho pa ‘yung nakuhang babae. Kaya ayun, nagkamalas-malas na ang ex mo.” Kuwento ni nanay mula sa kabilang linya.

“G-gano’n ho ba? e ‘nay pakikumusta n’yo po ako sa kanya, pakisabi na gusto ko siyang makausap.”

“Hayaan mo anak, makakarating, palagi ko naman siyang nadadaanan sa bukid kapag papunta ako ng palengke eh!”

“Bukid? Anong ginagawa niya ro’n?”

“E ‘di sinasama siya ni Ka Berto. Iyon ang kabuhayan ng matanda ‘di ba? hay naku kawawa talaga ang naging kalagayan nitong si Andrew mula nang mamatay ang ina. Mabuti na lang at nagsosolo na rin sa buhay ang tiyuhin niya.”

“Nay pa’no na ho ang pag-aaral ni Andrew?”

“Naku ano pa ba, e ‘di tumigil muna siya sa kurso niyang engineering.”

Matapos naming mag-usap ni nanay ay bumigat ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa kalagayan ngayon ni Andrew. Hindi naman sila mayaman pero alam kong hindi siya sanay sa hirap. Kaya naman pala hindi na siya makapagparamdam sa akin dahil nawala na ang lahat sa kanya.

Nang mag-sembreak ay umuwi ako sa probinsya. Matapos akong makapgpahinga ng ilang oras sa bahay ay pinuntahan ko agad si Andrew kina Ka Berto. Pero wala siya doon.

Sa bukid ko siya natagpuan. Kasama ni Ka Berto. Kasalukuyan silang namamahinga sa lilim ng isang puno.

“Andrew!”

Nagulat siya nang makita ako.

“J-Julia?”

Sinadya ni Ka Berto na iwan kami para makapag-usap.

Hindi agad ako nakapagsalita nang makita ko ang pananamit ni Andrew. Dati kahit mga baduy ang damit niya ay hindi mo naman siya makikitang marusing. Pero ngayon, ang longsleeve at jogging pants na suot niya ay puno ng putik. At mababakas mo ang pagod sa kanyang mukha.

“Drew, okay ka lang ba?”

Ngumiti si Andrew bago sumagot. (ITUTULO­Y)