Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-21 na labas

May naisip ako sa sinabi ni Kristine. Kung sasagutin ko kaya si Jab malilimutan ko na si Andrew? Maaalis na kaya siya sa isip ko?

maiintindihan ko na kaya kung ano talaga ang papel ni Andrew sa puso ko kung tatanggapin ko ang pag-ibig ni Jab?

Nagpasya ako. Itinaon ko sa mismong birthday ni Jab ang sorpresa ko para sa kanya.

“Happy birthday!” nakangiti kong iniabot kay Jab ang regalo ko. Binalot ko iyon sa isang red wrapper.

“Wow, thank you, lika tuloy ka!”

Malaki ang bahay ni Jab. Minana niya sa mga magulang na pareho nang nag-migrate sa America.

“Buksan mo na,” sabi ko.

“I’m so excited!”

Nakita ko ang kakaibang saya na rumehistro sa mukha ni Jab nang makita niya ang regalo kong small size teddy bear na may hawak na YES.

“Yes? You mean…” napakunot-noo pero nakangiting tanong ni Jab.

“Yes, I mean it.” Nakangiti ko ring sagot.

“Whoa! Ang saya ko! I love you my love!”

Binuhat ako ni Jab at inikut-ikot sa sobrang tuwa niya. Nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Andrew. Ang galing ng timing niya.

“Ibaba mo na’ko please, let me take this call!” sabi ko kay Jab.

Lumayo ako ng bahagya para sagutin ang tawag ni Andrew.

“Andrew, napatawag ka?”

“S-si mama… she’s gone…”

Natigilan ako. Ang ngiting kanina ay nakarehistro sa labi, ko unti-unting pinawi ng balitang iyon.

“C-condolence Andrew…”

“Sorry kung naistorbo kita sa kung anuman ang ginagawa mo ngayon… w-wala kasi akong makausap, gusto ko lang ng…”

“Andrew, naiintindihan kita, hindi naman ako busy ngayon eh…” putol ko sa sasabihin pa niya.

Nilapitan ako ni Jab.

“My love, sino ba ‘yan?”

“Si Andrew, kailangan niya lang ng makakausap, n-namatay na kasi ang mama niya…”

Narinig ni Andrew ang tinig ni Jab kaya siya na mismo ang nagtapos sa usapang iyon.

“Julia, may kasama ka yata ngayon, tatawag na lang ulit ako…”

“No, I’ll call you… tonight.”

“Okay. Bye.”

Alam ko at damang-dama ko ang lungkot sa tinig ni Andrew.

“My love, look at you kanina lang ang ganda ng ngiti mo, ngayon para ka na ring namatayan?”

“Parang gano’n na nga, nu’ng high school pa lang ako naging malapit sa akin ang mama ni Andrew, at nagkausap kami bago ako lumuwas ng Maynila…”

“Okay fine, pero hindi naman siguro sisirain ng balitang ‘yan ang special moment natin di ba?”

Hindi ako nakasagot. Ang totoo, wala na’ko sa mood. Parang gusto kong umuwi ng probinsya at makiramay kay Andrew.

“Jab, I have to go. Bukas na lang ulit tayo magkita?”

“What?” napakunot-noo si Jab.

“Please?”

Wala nang nagawa si Jab kundi payagan na akong umalis. Hindi ako sigurado kung napasama ko ang loob niya sa unang araw sana ng pagi­ging kami. Pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Parang may humihila sa akin na umuwi na lang.

Gabi. Tulad ng sinabi ko ay tinawagan ko si Andrew.

“Kumusta ka?” bungad ko.

“Eto, sinusulit ang mga huling araw na makakasama ko si mama…”

“Kailan ang libing?”

“Sa Sunday, 1pm…”

“Ang papa mo?”

“Nandito siya kanina, pero ngayon hindi ko alam kung nasaan siya.”

“Saan nga pala nakaburol ang mama mo?”

“Sa chapel, ayaw niyang magpaburol sa bahay e, at saka bilin niya rin na ipa-cremate siya.” (Itutuloy)