Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-20 na labas

Ayaw naman kasi nilang mag-working student ako, saka ko na raw isipin ang pagtatrabaho kapag nakatapos na’ko. Ang gusto kasi nila mag-concentrate muna ako sa pag-aaral at pag nakatapos ako ay ako naman ang magpapaaral ng college sa mga kapatid ko. Gusto ko naman ang ideyang ‘yon.

“Julia, dinner date ba itong pupuntahan mo?” tanong ni tita.
Nilingon ko siya mula sa half body mirror sa kuwartong ipinagamit niya sa akin.

“H-ha? hindi po tita, celebration lang po para sa pagkapanalo ko…”
“Celebration na kayong dalawa lang ni Jab?”

“Si tita talaga, e lagi naman po akong inaaya ni Jab na kumain sa labas hindi na kayo nasanay, ang pagkakaiba lang po, may sine-celebrate kami ngayon.”

“Okay, sabi mo eh, ang paalala ko lang, mag-ingat ka at ingatan mo ang puso mo.Itong si Jab, balita ko e napapaligiran ito ng mga babaeng gustong mahalin niya!”

“Iko-consider ko po ang paalala n’yo tita! Promise!” itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

“By the way, bagay na bagay naman sa’yo ang suot mong dress, fit sayo ang kulay maroon na may simpleng design sa gilid, maputi ka kasi.”

“Thanks tita, dahil sa sinabi mo uuwian kita ng favorite mong macaroni salad!”
“Wow naman! Gusto mo talagang sirain ang diet ko noh? Pero hindi kita pipigilan!” nakata­wang sabi ni tita.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang paghinto ng kotse ni Jab. Matapos naming magpaalam kay tita Bebet ay pumunta na kami sa isang restaurant kung saan nagpa-reserve si Jab ng table for two.

Napangiti ako nang makita kong napapaligiran ng mga pulang rosas ang table namin hanggang sa ibaba nito.
“O ‘yan ha, bawing-bawi na’ko sa mga bulaklak na gusto mo!”

“Salamat sa effort!”
“Welcome love!”

“Ikaw talaga, tigilan mo nga ako sa kakatawag mo ng love!”
“Love naman talaga kita eh!”

Related Posts

Hindi ko alam kung bakit sa mga sandaling iyon ay biglang sumagi sa isipan ko si Andrew. Hindi lang naman iyon ang unang beses na bigla ko siyang naalala. Mula nang magbakasyon ako at makabalik sa Manila ay para siyang kabute na bigla-bigla ko na lang naiisip. Hindi ko maintindihan.

“Julia, are you with me? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
“O-oo naman!” kahit ang totoo ay wala akong narinig sa sinabi niya dahil laman ng isip ko si Andrew.

“Talaga? e bakit hindi ka nag-react nang sabihin ko sa’yong may sasalihan ulit tayong competition bago matapos ang taong ito?”

“H-ha? e, sige pero sana medyo malayo pa,gusto ko kasing makapag-focus muna sa pag-aaral.”
“Well, what can I say?” nagkibit balikat na lang si Jab.

Alam kong nahalata ni Jab ang tila pagkabalisa ko. Pero tinapos pa rin namain ang dinner na ‘yon na parang love is in the air.

“Hi Julia!” si Kristine. Siya ang pangalawa kay Melody kung pinakamalapit na kaibigan ko rin lang ang pag-uusapan. Dinalaw niya ko sa bahay.

“Kung aayain mo akong mag-mall, sorry pero wala ako sa mood lumabas ngayon.”
“Nope. Gusto ko lang mag-stay dito sa house n’yo. What if mag-bake tayo?”
“Ikaw ang magaling diyan kaya magmimiron na lang ako sa’yo!” nakangiti kong sabi.

Iyon nga ang ginawa namin. Habang hinahanda ni Kristine ang mga ingredients na gagamitin niya ay sige lang siya ng pagkukuwento sa’kin tungkol sa lovelife niya. Sa nakakairita niyang lovelife. Kasi ba naman, ‘yung ipinagmamalaki niyang boyfriend ay pag-aari na ng iba, I mean, may pamilya na.

“Kris, kahit pa sabihin mo na nasa ibang bansa naman ‘yung asawa niya, asawa niya pa rin ‘yon, kasal sila at anytime puwede kang masaktan, puwede ka niyang iwan.”

“You’re so nega naman… ano naman kasi ang gagawin ko, na-inlove ako sa kanya!”
“Napipigilan naman ‘yon eh, kailangan mo lang siyang iwasan.”

“Ginawa ko na pero anong napala ko, para akong nasa loob ng isang kahon, madilim, walang ibang makikita kundi ang nakakabaliw na apat na sulok!”

Siguro nga hindi ko pa maiintindihan si Kristine sa ngayon, kasi hindi pa naman ako nai-inlove nang todo tulad niya.

“E ikaw, ano na ba ang score sa inyo ni Jab?”
“Wala.” Mabilis kong sagot.

“Wala? For Cupid’s sake Julia, ang tagal ng nanliligaw sa’yo ni Jab, ang tagal n’yo na ring magkaibigan, try mo naman siyang i-boyfriend baka magkakulay ang nanunuyot mong buhay!” (Itutuloy)