Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-19 na labas

“Sige mag-ingat ka na lang sa biyahe. Sana pagbalik mo sa Manila replayan mo na ang mga pm ko sau sa FB.”

Natawa ako. Dati kasi palagi lang deadma.

Abante Hiring – IT dep

“O sige na, ingat ka rin dito.”

Bago ako tuluyang tumalikod ay nasilip ko ang palihim na pagluha ni Andrew. Pinahid niya iyon ng kamay bago pa lumagpas sa salamin niya sa mata. Pakiramdam ko may kinalaman sa akin ang mga luhang iyon, pero hindi ko na lang pinansin. Ipinagpatuloy ko ang paghakbang ko palayo.

Nang marinig ko ang pagtawag ni Andrew.

“JULIA!’ nilingon ko siya.

“Kasabay mo ba si Jab?”

Umiling ako.

“Pinauna ko na siya!”

heartfeltTumango lang siya at ngumiti. Alam kong hinatid niya ako ng tingin palayo.

“O anak, ingat ka ro’n ha, lagi kang magdarasal, saka nga pala ‘yung tinatahi kong damit mo hindi ko pa natapos kaya ipapadala ko na lang sa tita mo pagluwas niya!” si nanay.

“Anak, kung magkakaproblema ka, dating gawi ha, tawagan mo lang kami ng nanay mo at kung kailangang paharurutin ko ang tricycle ko patungong Maynila e gagawin ko madamayan lang kita doon!” si tatay.

“Ate, ‘yung sapatos ko ha! 6 na ang size ng paa ko, binata na’ko eh!” si Bob.

“Ate ako bagong doll ha, ‘yung frozen!” si Lia.

“O ano, puwede ako naman ang magbibilin sa inyo?”

Halos sabay-sabay silang tumango.

Related Posts

“Ikaw Lia, magpapakabait ka lagi at ‘wag kang pupunta kung saan-saan napakadelikado ng panahon ngayon, ikaw Bob sundin mo lagi sina nanay at tatay, ‘wag puro barkada! Nanay ‘wag masyadong subsob sa pananahi, pahi-pahinga rin pag may time at ikaw naman tatay, ‘wag nang magpapagabi sa pagpapasada ng tricycle!”

Halos sabay-sabay din silang sumagot ng opo.

Habang papalayo sa pamilya ko ang sinasakyan kong bus, ramdam na ramdam ko agad na mamimiss ko sila.

Sa pagbabalik ko sa Maynila ay pikit mata kong hinarap ang buhay na muntik ko nang talikuran. Ipinagpatuloy ko ang Mass Communication na kinukuha ko. At sinubukan ko ulit na lumaban sa paglangoy. Sa bawat pagkampay ng mga kamay ko sa tubig ay ginagawa kong inspirasyon si Melody.

“Para sa’yo ‘to Melody…” sa isip ko.

Katatapos lang ng swimming competition namin at nakuha ko ang third place. Lumapit sa akin si Jab at as usual niyakap na naman niya ako.

“Congrats my love!”

“My love ka diyan! Teka nga!” kumalas ako sa pagkakayakap ni Jab.

Iniabot sa akin ni Jab ang isang invitation card.

“Para saan ‘to?”

“Para sa ating celebration, let’s have dinner!”

“Kailangan talaga may card?”

“Oo naman, ano ka ba naman Julia hindi ka na nasanay sa sweetness effect ko!” nakatawang sabi ni Jab.

“Sweetness na walang bulaklak!” kunwa’y reklamo ko.

“To follow na lang ‘yon, basta susunduin kita sa mga tita mo mamaya ha!”

Hindi na kasi ako sa dorm tumutuloy. Bumalik na ako kina Tita Bebet. Doon may kapamilya akong makakausap at makakasama. Si Tita Bebet, bunsong kapatid ni nanay.

Matagal na siyang biyuda habang ang dalawan­g anak niya ay pareho nang may kanya-kanyang pamilya. Si Tita Bebet rin ang tumutulong sa pag-aaral ko. Lalo na kapag hindi nakakapagpadala sina nanay at tatay ng pera. (Itutuloy)