Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-18 na labas

Umiling ako.

“Hindi na, alam ko namang ico-comfort mo na naman ako ng mga words of wisdom mo eh…” nakangiti kong sabi.

Ngumiti rin siya.

“Siyanga pala, kagagaling ko lang sa inyo, binisita ko ang mama mo… she looks happy like you… parang walang problema!”

“Talaga? siguradong natuwa si mama sa pagdalaw mo!”

“Oo, nakita kong natuwa siya. By the way, sa­lamat nga pala Drew ha.”

“Saan naman?”

“Kasi tinulungan mo akong makawala sa kalungkutan ko tungkol sa nangyari kay Melody… napanaginipan ko siya, at nakita kong nakangiti na siya sa akin…”

“Siguro kasi masaya siya dahil hindi mo na dinaramdam ang pagkawala niya, masaya siya na nakapag-move on ka na, gano’n talaga ang tunay na kaibigan, naiintindihan ka at hangad na maging masaya ka.”

Katahimikan. Ako ang bumasag niyon.

“Drew, babalik na ako sa Manila…”

“Alam ko.”

“Iyan lang ba ang sasabihin mo?”

Tumingin sa akin si Andrew.

“Marami akong gustong sabihin, pero sa ngayon, ang sasabihin ko lang muna, mag-ingat kang mabuti do’n.”

Sandali lang kami nagkuwentuhan ni Andrew. Mukhang wala pa siyang balak umalis kaya nagpaalam na’ko.

“Drew, hindi na kita masasamahan sa paghihintay mo sa paglubog ng araw, kasi baka gabihin ako… I have to go…” (Itutuloy)