Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Ika-17 na labas

“Sayang nga lang at kailangan mong umalis ulit… pero sana makapagbakasyon ka ulit dito.”

“O-opo, tita, magpagaling po kayo… para kay Andrew… mas magiging masaya po siya kung gagaling na kayo…”

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng mama ni Andrew. Pagkatapos no’n ay muli siyang nagsalita.

“Salamat Julia, salamat dahil muli mong pinapasok sa buhay mo si Andrew…”

Iyon ang huling narinig ko mula sa kanya bago ako lumabas ng silid na iyon. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Naiiyak ba ako sa kalagayan ng mama ni Andrew? Sa pinagdaraanan niya o dahil sa mga sinabi niya? Buti na lang at nakatalikod na ako nang pumatak ang luha ko.

Related Posts

Sinabi ni Manang Lupe na baka raw nasa plaza si Andrew. Doon lang naman kasi ito madalas magpunta. Kaya nagpunta ako roon. At hindi nga nagkamali si Manang Lupe. Nakita kong nakatalikod si Andrew at nakaupo sa isang batuhan na nakaharap sa dagat.

Ilang saglit pa bago ako humakbang palapit sa kanya.

“Drew…”

Lumingon siya at nagulat nang makita ako.

“JULIA!”

Pinaupo niya ako sa tabi niya.

“Teka, gusto mo ba doon na lang tayo sa ilalim ng puno, kasi baka malungkot ka na naman dahil sa dagat?” nag-aalalang sabi niya. (ITUTULOY)