Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-16 na labas

Matapos ang nakakapagod na pagtatampisaw at paglalaro sa tubig dagat ay magkatabi kaming nahiga sa buhanginan.

“We cannot direct the wind, but we can adjust the sails…” narinig kong sabi ni Andrew.

“O ano ‘yan?”

“Ano pa, e ‘di words of wisdom.”

“Para sa’kin?”

“Para sa ating dalawa…”

Napataas ang kilay ko pero kasabay no’n ang ngiti sa labi ko.

“Eto pa,I am in charge of how I feel, and today, I am choosing happiness… with you…” sabay tingin sa akin ni Andrew.

“Okay sige, ako naman… If it scares you, it might be a good thing to try.”

“Wow, sige ako ulit ha… ahm… people come and go from your life all the time, all you can do is hope the right one stays in it…”

“Aba, pumapag-ibig? Okay ito naman ang akin… anyone can say I love you, but not everyone can wait and prove it’s true.”

“Hindi ako ‘yan, eto na lang, para sa’yo ‘to… you can’t start the next chapter of your life if you keep re-reading the last one…”

“Ouch! O sige na nga, panalo ka na!”

Dumapa si Andrew habang nanatili akong nakahiga.

“Puwede ba ‘wag mo nga akong tingnan ng ganyan.”

“Hindi kita tinitingnan, tinititigan kita…”

“Bakit naman? May dumi ba’ko sa mukha?”

“Wala, ‘wag ka munang gagalaw, naglo-loading pa ang memory ko, sine-save ang moment na’to sa puso ko.”

Hindi ako makaapuhap ng isasagot ko kay Andrew. Ayoko pang maramdaman ulit ang dating pagtingin ko sa kanya. Hindi pa… hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Kaya pinili ko na lang na pansamantalang pumikit at hayaan siyang titigan ako.

Tapos na ang bakasyon. Sa wakas ay nakapagdesisyon na rin ako. Pero bago ako umalis ay naisip ko munang dalawin ang mama ni Andrew. Nagdala ako ng isang basket na prutas para rito.Wala doon si Andrew. Ang sabi ng tita niya na nagbabantay sa mama niya katuwang si manang Lupe ay lumabas lang daw sandali.

Naupo ako sa tabi ng mama ni Andrew na nakahiga sa kama at hinawakan ko ang kamay niya.

“Kumusta po kayo?” bungad ko.

“Natutuwa akong makita kang muli Julia… doble sa tuwang nararamdaman ng anak ko.”

“B-bakit naman po?”

“Kasi kapag masaya ang anak ko, mas masaya ako para sa kanya… alam ko kasing mahal ka niya, noon at hanggang ngayon… madalas ka niyang ikuwento sa akin, kahit ‘yung mga masasayang moments n’yo noong high school pa kayo… paulit-ulit lang ang kuwento niya… pero hindi ako nagsasawa… at nang dumating ka, wala na siyang bukambibig kundi ikaw…”

Na-touch naman ako sa sinabi ng mama ni Andrew. Alam na kaya niyang aalis na ulit ako at muli kong iiwan ang anak niya? (Itutuloy)