Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-13 na labas

“Jab, gusto ko lang makapagpahinga dito sa’min, sa pamilya ko, sinundan mo pa talaga ko rito para kumbinsihin?”

“Yes. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo, susundan kita makumbinsi lang kita na bumalik sa Manila!”
Hinawakan ni Jab ang kamay ko bago muling nagsalita.

“There’s a lot of opportunities waiting for you there, kaya sana bumalik ka na.”
Binawi ko ang kamay ko.

“Wait lang, nandito lang naman ako para makapagbakasyon at makapg-unwind bakit ba masyado kang worried and affected?”
“May nakapagsabi kasi sa’kin na hindi ka na raw babalik sa Manila because of what happened.”

Kahit hindi sabihin ni Jab, alam ko na kung sino ang nagsabi sa kanya no’n. Malamang si Agnes. Si Agnes na kasama ko sa dorm. Nasabi ko kasi rito na baka hindi na ako makabalik sa Manila.

Nabigla ako nang biglang lumuhod sa harapan ko si Jab.
“Julia, please, sumama ka na sa’kin pabalik sa Manila…”

Sasagot sana ko nang mapatingin ako sa pintuan. Nagulat ako dahil nakatayo na pala roon si Andrew at nakatingin sa amin. Blanko ang mukha niya kaya hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Feeling ko lang ay nagselos siya.

Napalingon rin sa kanya si Jab kaya tumayo ito.
“So who’s that guy?” tanong ni Jab na naglipat ang tingin sa’min.

Bago ko sinagot ang tanong ni Jab ay pinapasok ko muna si Andrew.
“Tuloy ka Drew.”

Pumasok naman si Andrew at naupo sa kabilang upuan.

“Jab, this is Andrew, my ex-boyfriend and kaibigan ko pa rin hanggang ngayon, Andrew siya naman si Jab, ang coach ko sa swimming at kaibigan ko rin tulad mo.” (ITUTULOY)