Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 960

Ika-11 na labas

“Drew, inaamin ko naman na kasalanan ko at hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili ko… God knows na kung puwede lang ako na lang ang nalunod, na sana puwede kong ibalik ang lahat at puwede kaming magpalit ng kapalaran ni Melody… nagsisisi ako Drew…”

Natigilan ako nang biglang magpahid rin ng sari­ling luha si Andrew. Tinanggal niya ang salamin niya at pinunasan ng panyo ang parte nito na nabasa ng luha.

“Andrew, bakit ka umiiyak?”

“Kasi nakakaiyak naman talaga ang kuwento mo… nakakalungkot…”

Muling sinuot ni Andrew ang salamin niya at tumingin sa akin.

“Julia,ang hirap pala ng pinagdadaanan mo ngayon pero sigurado ako malalampasan mo rin ‘yan, kasi kilala kita, you are strong at mas lalo ka pang patatagin ng karanasan mong ‘yan.” Nakangiti pero malungkot ang tinig ni Andrew.

Pagkasabi niyon ay hinawakan niya ang kamay ko.

“Ikaw si Julia Melendez, ang pinaka-strong na babaeng nakilala ko!”

Alam kong sinasabi lang niya ‘yon para gumaan ang pakiramdam ko. Pero kahit papa’no gumaan nga ang pakiramdam ko kaya nagpasalamat ako sa kanya.

“Walang anuman Julia, kahit ex-boyfriend mo na lang ako, nandito lang ako lagi para maging past, pre­sent at future bestfriend mo na handang maging boy scout para sa’yo anumang oras na kailanganin mo.”

“Ikaw talaga, hanggang ngayon ang korni-korni mo pa rin!” sabay pisil ko sa ilong niya.

Saglit na namagitan sa’min ang katahimikan. Naalala ko na may pinagdadaanan nga rin pala siya.

“Drew, ikaw kumusta ka naman?… ang mama mo?” (Itutuloy)