Una sa Balita

My Extra Ordinary EX

By
0 949

Unang labas

Ako si Julia Melendez. 18 years old. Mas marami ang nagsasabi na maganda ako kaysa hindi.

Sabi pa nga ng iba, hindi kami nagkakalayo ni Julia Montes. Siyempre proud ako do’n.

Katukayo ko na kamukha ko pa, sa’n ka pa, ‘di ba? Masscom student ako sa U.P. Manila.

Nasa ikalawang taon pa lang ako. Mahilig din akong mag-swimming. Hindi lang basta mahilig kundi magaling.

Related Posts

Naranasan ko na rin kasing sumali sa isang swimming competition. Although hindi ko pa nararanasan ang manalo, sabi ng coach ko balang-araw mananalo rin ako, kasi nakitaan niya ako ng potential. Pero alam n’yo ba kung ano talaga ang pangarap ko? Ma­ging isang sikat na DJ sa isa ring sikat na radio station.

Bago ‘yon, kailangan ko munang harapin ang mga problema ko ngayon, mga pagsubok na alam kong magpapatatag sa akin at paghuhugutan ko rin ng lakas sa mga darating pang bukas.

Ngayong bakasyon, nagpasya akong umuwi ng probinsya at hindi ko pa matiyak sa sarili ko kung babalikan ko pa ba ang Maynila o hindi na…tutuparin ko pa ba ang pangarap ko o tatalikuran ko ito kasama ng hindi magandang karanasan…

Habang sakay ng bus pabalik sa Laguna ay panay pahid ko ng luha ko. Para kasing sirang plaka na paulit-ulit ang rewind sa utak ko ng hindi magandang nangyari sa outing ng barkada namin isang buwan pa lang ang nakalipas.

Pagbaba ko sa bus ay natigilan ako. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Andrew, kung paano ko siya iniwan sa terminal ding iyon dalawang taon na ang nakalipas.

Ang pagkakaiba lang malungkot si Andrew noon samantalang ngayon ay nakangiti ito habang nakatitig sa akin. Pero ang kabaduyan niya, hanggang ngayon ay suot pa rin niya, ang bulakla­king polo at pantalon na bitin!