Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

My Dad Bogart nanilat sa meta

0 222

HUMANGA ang mga karerista sa ipinakitang husay sa rematehan ni My Dad Bogart nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Makapigil hiningan bakbakan sa rektahan kung saan sa huling 25 metro na lang ng laban nakaungos si My Dad Bogart upang sikwatin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicap System.

Naagaw ni Raxa Bago ang bandera sa rektahan pero malakas naman ang dating ng winning horse at nauna itong tumawid sa meta ng may ulo ang pagitan.

Humarurot sa largahan ang mabibilis na Headmastership at Most Trusted habang nasa pang-10 puwesto si My Dad Bogart na nirendahan ni apprentice rider MP Laloma.

Hanggang sa fart turn ay nag-ubusan ng lakas sina Hadmastership at Most Trusted kaya naman nakakapit si Tit For Tat at nakuha ang unahan papasok ng home stretch.

Subalit dumadagundong sa bandang likuran dahil sa remate nina Raxa Bago at My Dad Bogart, pagsapit sa huling 100 metro ng laban ay naagaw ng una ang unahan.

Pero patuloy ang pagkayog ni Laloma kay My Dad Bogart kaya lumampas ito kay Raxa Bago.

Naitala ni My Dad Bogart ang tiyempong 1:30.8 minuto sa 1,400 meter race. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.