Una sa Balita

MWSS chief kapit- tuko sa puwesto

By
0 344

WALANG balak lumayas sa puwesto si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty sa kabila nang nangyaring kapalpakan sa kanyang pinamumunuang tanggapan na nagresulta ng malawakang krisis sa tubig.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Develop­ment patungkol sa problema ay inusisa ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza si Ty at tinanong ito kung handa na ba siyang talikuran ang puwesto dahil sa pangyayari.

Pero matigas at palaban ang sagot ni Ty.

“We don’t run from problems, we want to face this. We have inherited this problem and we are fixing this already and we are up to the challenge,” tugon ni Ty.

Sinimulan ng Kamara ang pagdinig sa biglaang pagkaputol ng supply ng tubig na naranasan sa Metro Manila, Rizal at Cavite sa pangunguna ni Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng komite ang public hea­ring kung saan dumalo rin sina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, House Majority Leader Fredenil Castro at iba pang kongresista.
Present din ang mga kinatawan ng MWSS, Manila Water, Maynilad at iba pa.

Samantala, humingi ng tawad sa publiko si chief executive officer (CEO) ng Manila Water na si Ferdinand Dela Cruz sa problema at perwisyong idinulot ng kapos na supply ng tubig.

Ipinaliwanag nito na ang problema sa kapos na supply ng tubig ng Manila Water ay magtatagal hanggang bago matapos ang panahon ng tag-init o tagtuyot.

Inaasahang unti-unti nang lalakas ang pressure sa mga susunod na araw habang ang mga imbakan o reservoir ay napupuno upang makarating naman sa mga matataas at malalayong lugar.

Patuloy ding nagsasagawa ang Manila Water ng mga operational adjustments upang mabalanse at maayos ang paghahatid ng tubig sa buong nasasakupan nito at upang siguruhin na ang naunang inanunsyong 20 oras na mahabang pagkawala ng tubig ay hindi tatagal sa buong panahon ng tag-init.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy