Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MVP si Barcenilla

0 23

HINIRANG na Most Valuable Player (MVP) si Grandmaster Rogelio Barcenilla Jr. sa katatapos na All-Filipino Cup Finals ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).

Pinangunahan ni Barcenilla ang Laguna Heroes sa pagsilo ng korona matapos kalusin ang Camarines Soaring Eagles.

Naibigay ang award kay Barcenilla noong Linggo araw ng All-Star Game program ng nasabing event.

Ayon kay two-time Asian Junior Chess Championship ruler Barcenilla, hindi nito inaakalang may makukuha siyang award, dumalo lamang umano ito ng All-Star Game para sa trophy na makukuha ng Laguna Heroes.

Nagpapasalamat naman si Barcenilla sa mga bumubuo ng PCAP at sa pagtanggap nito ng MVP.

Ang nasabing chess tournament ay nilahukan ng mga tigasing woodpusher sa Pilipinas kabilang ang mga Grandmaster at International Master.

(Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.