Una sa Balita

MVP out sa FIBA Central Board

0 303

WALA nang makakapagtanggol sa pagnanais ng Pilipinas na maideklara bilang isang lokal na manlalaro ang Fil-Am na Cleveland Cavaliers player na si Jordan Clarkson matapos na maalis sa makapangyarihang Central Board ng FIBA ang sports patron na si Manuel V. Pangilinan (MVP).

Ito ay matapos ihalal ng delegado mula sa 156 national federations na dumalo sa XXI FIBA Congress Huwebes ang bagong pangulo at bagong Central Board para sa 2019-2023 term of office sa Beijing, China.

Si Pangilinan, na dating miyembro ng FIBA Central Board, ay hindi dumalo sa pagpupulong. Inirepresenta ito nina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio at executive director Sonny Barrios.

Nagkakaisang naihalal si Hamane Niang, na papalitan si Horacio Muratore bilang bagong pangulo ng FIBA, sa lahat ng mga dumalo.

Si Hamane Niang ang vice president ng FIBA at presidente ng FIBA Africa 2014-2019, matapos maging presidente ng Mali Basketball Federation at Mali Minister of Sport.

Nalahal din si Ingo Weiss ng Germany sa kanyang ikalawang termino bilang FIBA treasurer. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy