Una sa Balita

MVP-Gilas napilitan maglaro sa Asiad dahil inupakan

By
0 1,417

NAGBAGO na ang ihip ng hangin, may Philippine Team na ring ipapadala sa men’s basketball competition ng 2018 Asian Games sa Indonesia. 

Nadala sa pressure ng publiko at ng Philippine sports sa kabuuan, nagdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na itutuloy na ang pagpapadala sa quadrennial meet na tatakbo sa Aug. 18-Sept. 2. 

Bago ang Game 4 ng San Miguel Beer-Ginebra PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum kagabi, kinumpirma ng PBA at ng SBP na tuloy na ang PHL team sa Indonesia. 

Abante Hiring – IT dep

Si coach Yeng Guiao pa rin ang hahawak sa national team na pangu­ngunahan ng core ng Rain or Shine, assistant niya si Elasto Painters coach Caloy Garcia. 

Pinaghalong mga veteran at young gun ang team ni Guiao, bukod sa Pain­ters ay huhugot din sa ibang mga team. 

Kasama sa 14-man pool mula Rain or Shine sina Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Gabe Norwood, James Yap, Beau Belga at Raymond Almazan, Stanley Pringle ng GlobalPort, Paul Lee ng Magnolia, Poy Erram ng Blackwater, Don Trollano ng TNT, Christian Standhardinger ng San Miguel, Asi Taulava ng NLEX, at sina Gilas cadets Kobe Paras at Ricci Rivero.

 
“These guys are familiar with me, and I am familiar with them,” paliwanag ni Guiao sa napili niyang komposisyon ng team mula PBA. 

Dahil gahol na sa oras, praktis agad ang team umpisa ngayong tanghali. Tatapyasin sa final 12 ang pool bago ang Asiad basketball. 

Sa Aug. 14 tutulak pa-Indonesia ang team.