Una sa Balita

MVP, Chot ugat ng gulo!

Buong mundo dismayado sa rambulang Gilas-Australia

By
Photo by Joaqui Flores, Abante News
0 6,381

LIBO-LIBO ang nananatili ang suporta sa mga player ng Gilas Pilipinas na nakipagrambulan sa Australia Boomers, Lunes ng gabi sa 3rd window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.

Dagsa rin ang nalungkot, nadismaya at umani ng samu’t saring reaksyon.

Isa sa mga hindi natuwa sa inasal ng mga Gilas player si sportscaster Chino Trinidad, dating commissioner ng sibak na ngayong Philippine Basketball League (PBL).

Sa report ni Chino sa DZBB kahapon ng umaga, inilabas nito ang pagkadismaya sa inasal ng mga Pinoy player laban sa mga Australyano.

Aniya, walang justification ang inasal ng mga manlalaro, ma­ging ni head coach Chot Reyes, assistant coach Jong Uichico at tatay ni Japeth Aguilar na si Peter Aguilar.

Report pa ni Trinidad, hindi katanggap-tanggap na pati si Uichico at tatay ni Japeth na si Peter ay nakisalo sa panununtok laban sa Aussies imbes na sila ang umawat sa kaguluhan. Sa panig naman ni Reyes, ito pa umano ang nagsabi sa kanyang mga player na ‘patigilin’ ang Aussies na nangta-trash talk sa kanila – na nauwi nga sa paniniko ni RR Pogoy na nagresulta na sa ‘free-for-all’ ng mga player at ibang miron.

“Walang justification. Yung larong basketball na camaraderie at sportsmanship dapat, nauwi sa gulo, nakakahiya,” ani Trinidad.
Ilan namang mga netizen ang umayon kay Trinidad at sinisi ang Gilas Pilipinas sa kaguluhan maging si Manny V. Pangilinan (MVP) na puma­y­pay umano sa apoy bago pa man ang laban.

Matatandaang inalis ng mga Aussie player isang araw bago ang laban ang mga sticker at decal sa flooring ng Philippine Arena. Nagpalabas ng video comment si MVP na tinutuligsa ang ginawa ng mga Australyano kaya dito umano nag-ugat ang gulo.

“Eh paano, hindi pa nagsisimula ang laban parang nasusulsulan na ang Gilas. Si MVP nag-video post pa, imbes na laro na lang sana,” ayon sa komento ni FB user na si Walter Martinez.

Nagpahayag din ang Samahang Basketbol ng Pilipinas vice chairman Robbie Puno matapos ang bugbugan na ‘ipinagmamalaki’ niya ang Gilas sa kabila nang siyam na player ang pinatalsik at apat sa Aussie.