Una sa Balita

MVP basketball lang ang tipo

By
0 979

Walang katotoha­nan na nawalan ng budget si MVP sa kaniyang Meralco Football Club at walang epekto ito sa kaniyang mga tropa sa Philippine Basketball Association.

May lumabas na balita noong Lunes, Enero 8, na binuwag na ni Manuel V. Pa­ngilinan ang kaniyang Meralco Football team.

Pero inaasikaso ng Meralco Sparks na makahanap ng bagong investor ng kanilang koponan ngunit kung wala man itong maha­nap, sunod naman nilang lalaka­rin ang kanilang mga player na makahanap ng panibagong teams.

Siguro dahil hindi talaga football ang priority ni MVP, at sa basketball talaga siya nakatuon dahil ipinilit niya na Pilipinas ang magho-host ng 2023 FIBA World Cup.

At kahit limang taon pa bago mangyari itong malaking hosting na ito sa ating bansa ay ngayon pa lang ay todo-paghahanda na ang MVP management.