Una sa Balita

Musika ang ‘Pampagana’

0 223

Lodi Atletiko
Ateneo spiker Marck Espejo

“Nu’ng collegiate player pa ako, mahirap pagsabayin (pag-aaral at paglalaro ng volleyball). I mean ‘yung social life, maglalaro ka pa, tapos ‘yung sa aral pero hindi mo kasama ‘yung family,”

KUNG individual awards ang batayan para maging pinakamagaling na men’s volleyball player ng bansa, maituturing nang pinaka-petmalu si Marck Espejo ng Cignal HD.

Limang UAAP Most Valuable Player (MVP) awards. Rookie-MVP sa unang taon sa Ateneo Blue Eagles sa Season 76. Tatlong championships sa UAAP at ilan pa sa professional league.

Ano pa ba ang kulang?

Collegiate days pa lang ni Espejo ay talaga gumawa na ito ng ingay sa larangan ng volleyball kaya hindi rin maitatanggi na dumagsa ang mga fan ng men’s volleyball.

Ngunit bago umapak sa court, pre-game rituals ni former Ateneo Blue Eagle Espejo ang pakikinig ng music at gumamit ng cellphone.

“Usually music, madalas nagpo-phone lang pampa-relax, panglibang, pampatanggal ng stress,” kuwento ni Espejo nang minsan bumisita ito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.
Marami rin sinakripisyo si 22-year-old Espejo bago maging multi-awarded player kagaya na rito ang kanyang social life.

“Nu’ng collegiate player pa ako, mahirap pagsabayin (pag-aaral at paglalaro ng volleyball). I mean ‘yung social life, maglalaro ka pa, tapos ‘yung sa aral pero hindi mo kasama ‘yung family,” kuwento pa ni Espejo.

Gayunman, nasuklian naman ang lahat ng pagod at hirap ni Espejo lalo na’t kinuha ito bilang import ng isang club team sa Japan na Oita Miyoshi Weisse Adler.

Sa kakatapos lang na Reinforced Confe­rence ng Spikers’ Turf, nakuha ng koponan ni Espejo na Cignal HD Spiker ang kampeo­nato at target pa ng mga ito na sundan ang tagumpay papasok sa Open Conference ng liga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy