Murray goodbye sa third round


Lupaypay ang balikat ni Andy Murray matapos lumuhod kay Albert Ramos-Vinolas 6-2, 2-6, 5-7 sa third round ng Monte Carlo Masters kahapon sa Monaco, France.

Kasamang namaalam ni Murray si former French Open at Monte Carlo champio­n Stan Wawrinka matapos siyang bulagain ni Pablo Cuevas ng Uruguay 4-6, 4-6.

Kinaldag naman ni defending champion Rafael Nadal si Alexander Zverev, 6-1, 6-1 habang kinalos ni two-time champion Novak Djokovic si Pablo Carreno Busta 6-2, 4-6, 6-4.

Matapos umiskor ng 2-0 ni Djokovic sa second set, nagtala ng limang sunod na puntos ang Spaniard netter Busta para makuha ang panalo.

Naghabol si Djokovic, 15-40 sa ninth game sa decider pero naging matatag ito para itakas ang mahirap na panalo.

“I could have easily lost this match. I cannot allow myself many more (matche­s like this) if I want to go far in this tournament,” hayag ni Djokovic.

Nagbalik laro si Murray matapos magpahinga dahil sa injury sa siko, hindi ito nakasali sa Miami Open at Davis Cup quarterfinals.

Nagkumahog si Murray sa kanyang serve.

I’m disappointed to lose from the position that I was in,” saad ni Murray ang last year’s French Open runner-up kay Djokovic. “I haven’t lost many matches like that in my career.”

Unang panalo naman ni Ramos-Vinolas ng Spain kay world No. 1 sa apat na subok.



SHARE